Para Kanino/Bakit Ka Sumusulat?

Heto na naman ako, muling nagbabalik sa aking munting tahanan. Salamat sa iilan na tumatangkilik ng blog na ito; lubos talaga akong nagagalak. Ayeeee!🙂 kahit pa hanggang ngayon eh ang dami ko paring sablay sa pagsusulat.Hihi!

Oo, hanggang ngayon, hirap parin ako sa tamang paggamit ng “ng at nang” (hindi ko naman kasi inaaral ng maigi eh) samahan pa netong pagsablay ko sa pagbaybay. Oh di ba? Hanep sa kamalian ang blog ko, pero keribells na lang kasi naiintindihan (at sinusubukan namang intindihin) ng iilang nagbabasa. Sa mga kumukunot ang noo dyan dahil sa aking sandamakmak na kamalian, pasensya na lang ang aking nais na iparating, mula sa aking baga, tagos hanggang sa aking puso.😉

Kanina lang, naisip ko habang nakatunganga sa aking huling blog post… Para kanino ba ako sumusulat? Napaisip ako sandali (na medyo napatagal ng kaunti) tapos ‘yun bigla na lang sumulpot na parang mga kabote ang sagot sa aking sariling tanong.

At ito ang sinabi ng utak ko…

1. Sumusulat daw ako para sa sarili ko.

(Oo naman, lagi nga akong bida sa bawat paskil eh. Tsaka gusto ko rin kasing matuto pa sa pagsusulat kaya ginagawa ko rin ito para sa sarili ko.)

2. Sumusulat daw ako para wala lang.

(Um, sa blog na ito, hindi ‘yan totoo;  kasi sa paniniwala ko, may katuturan ang bawat kwento ko (sana nga tama ako sa paniniwala ko). Haha! Pero sa totoong buhay, Oo. Mahilig kasi akong magsulat-sulat kapag may papel at bolpen sa harap ko kahit wala namang magandang dahilan.)

3. Sumusulat daw ako para magpapansin.

(Hindi naman, mas gusto ko nga yung hindi pinapansin eh, yung tipong pagilid-gilid lang pero pag tinanong may alam pala kahit konti. haha)

4. Sumusulat daw ako para ipagmayabang na marunong ako magsulat.

(Hindi rin ito totoo. Hindi lang naman kasi ako ang marunong magsulat eh at isa pa, bakit kelangan ko pang ipagmayabang? Eh sablay nga ako di ba?)

5. Sumusulat daw ako para kumita.

(Medyo totoo itong isa na ito, pero paraket-raket lang naman, sayang din kasi ang offer. Hihi)

At ang huli…

6. Sumusulat daw ako para sa IYO.

Asus… Oo naman, totoo talaga ‘yan. Kasi naman kung wala ka, walang magbabasa ng mga isinusulat ko, tulad na lang ngayon (nag-abala ka pang basahin ito hanggang sa dulo. Kaya nga para sa iyo itong post na ito eh, gusto kasi kitang pasalamatan sa patuloy na pagbabasa ng mga paskil ko. Salamat kaibigan!

 

 

 

Ang muling nagbabalik,

Chicky Nicky


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: