Ang Yabang Naman!

Masarap sa pakiramdam yung malayo na ang narating mo, yung tipong may maipagmamalaki ka na sa iba. Pero mas masarap sa pakiramdam yung malayo na ang narating mo pero hindi ka nakakalimot sa mga taong naging parte ng buhay mo, kaibigan mo man, dating kaklase o simpleng kakilala. Sumasang-ayon ka ba?

Ang totoo, hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong parang ikinakahiya ang dating kaklase o kaya naman ay umaastang hindi ito kakilala dahil sa isa lamang siyang simpleng manggagawa sa isang establisyemento na kumikita lamang ng minimum wage at kung minsan ay mababa pa. Hindi pa nangyari sa akin ang i-look down ng mga dati kong kaklase, pero ang iilan, naranasan na nila iyon. Ngayong gabi, isang lumang kaklase ang nagpadala ng mensahe sa akin sa facebook at nangungumusta. Sumagot ako hindi dahil yun ang tamang gawin kung hindi dahil yun ang gusto ko, gusto ko malaman kung kamusta na ang buhay nya. Nagulat sya dahil sumagot ako sa mensahe nya sabay sabing… “wew, kala ko katulad ka na ng iba jan eh”. Sa sinabi nyang yan, naalala ko rin ang dati kong kaklase na hindi na nag-aral sa kolehiyo at nagtrabaho na lamang, tanda ko pa ang sinabi nya sa akin… “sila (hidden name here) ang yayabang, porket hindi ako nakapag-college at sa (name of the establishment here) lang ako nagtatrabaho, akala mo hindi tayo magkakaklase noon.” Meron pang isa na nagtatrabaho bilang sekyu sa isang kilalang kainan at minsan din nyang nakita ang mga dati naming kaklase, tulad din ng naunang dalawa, naranasan nya rin na hindi pansinin ng mga dati naming kaklase. Nakakasiguro ako na hindi lang silang tatlo ang nakaranas ng ganyan, marami pa dahil marami sa mga dati kong kaklase ang kinapos ng “will” at “financial resources” para makapagtapos sa kolehiyo.

Totoo ngang may narating na ang mga iba sa amin, totoo din na ang ilan ay may maaayos na trabaho na, totoo din na may diploma na ang iilan at may titulong pinanghahawakan pero hindi ibig sabihin nun ay pwede na nilang i-look down ang isang dating kaklase o kasabayan sa eskwela. Masakit para sa mga taong iyon ang tratuhin ng ganun, hindi man nila sabihin, mararamdaman mo iyon sa pagkakataon na makausap mo sila.

Sa buhay, hindi kelangan mag-mayabang at hindi mo kailangang tahasang ipamukha ang narating mo sa ibang tao dahil hindi mo alam ang ikot nitong mundo natin. Malay mo isang araw, kailanganin mo rin ang tulong nila. Ikaw din… baka sa huli, ikaw na ang magsabing – Ang yabang naman!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: