Election Fever: Road Under Construction

Ramdam mo na ba ang election fever? Ako, ramdam na ramdam ko na. Panay na nga ang pag-promote ng publicity ng iba sa mga pulitiko eh. Dito sa amin, panay na rin ang pagpapagawa ng kung ano mang mga pwedeng ipagawa; mga proyektong kahit garbage can signage na lang kelangan meron pang DONATED BY na nakalagay at dapat naka- CAPS LOCK pa! Hanep ang pulitika sa Pilipinas noh? Only in the Philippines lang ba ito? Ano sa tingin mo?

Isa sa PINAKA-sikat na manipestayon ng election fever ay ang road construction at bridge construction project. Napansin ko lang kasi, kadalasan, kapag malapit na ang eleksyon, naglalabasan na ang mga malalaking sasakyan, ang maraming trabahador at ang makapal na alikabok na nagmumula sa lubak na kalsada at sementong kalsada na muling tinibag. (Libre face powder para sa lahat sa tuwing daraan ang mga humaharurot at hindi-kabilisang mga sasakyan, kainis!). Kung tutuusin, pwede naman ipagawa ang mga kalsada sa unang taon ng termino pwede rin sa ikalawa hindi kung saan malapit na matapos ang buong termino nila o kung saan malapit na ang eleksyon saka nila ipapatibag ang kalsada at ipapasemento, ipapa-patag ang lupa at tatambakan ulit. Baka naman sabihin ng iba jan, wala kasing BUDGET! Hello? Hindi ba pwede gawan ng paraan? Ang rule ba eh, kapag malapit na ang eleksyon saka nagkakaroon ng budget pangbungkal ng lupa para patagin, tapos lalagyan ng semento, tatapalan ng aspalto tapo sisirain ulit paglipas ng ilang taon at saka tatapalan na naman ng bago?

Ilang dahilan na nakikita ko kung bakit patuloy nilang ginagawa ang ganitong klaseng bagay:

Pulitiko 1. Malapit na ang eleksyon, kelangan na magpasikat sa mga nasasakupan ko para sabihin nila may ginagawa rin ako hindi puro upo, oo, dikta, at pirma lang ang alam ko.

Pulitiko 2. Malapit na ang eleksyon, kelangan ko ng malaking kickback para sa kampanya ko.

Pulitiko 3. Gagawa ako ng ganitong klaseng proyekto tapos i-pepending ko ulit para pagdating ng eleksyon, sasabihin ko na kung sakaling ako’y  muling maluklok sa pwesto, tatapusin ko ang lahat ng mga proyektong nasimulan ko.

Pulitiko 4. Hindi kasi agad binigay ang pork barrel ko dahil hindi ako panig sa administrasyon kaya na-pending lahat ng  proyekto ko at ngayon lang nasimulan ( baka b?).

At kung anu-ano pang pwedeng idahilan, makalusot lang. tsktsk…

Heto nga pala ang ilang larawan na kinuhaan ko nung nagliwaliw ako patungong Sur. Kung saan SUR yan eh, hindi ko na sasabihin. hihi.😀

Kelan kaya matatapos ang mga kalsada at tulay na ‘yan noh? At sana talaga, matibay na ang gagawin nila para naman hindi na masayang ang pondong paulit-ulit na ginagastos dyan.

 


4 responses to “Election Fever: Road Under Construction

  • sa saliw ng awit

    hello, okey ito, kapatid. napansin ko rin, kung kelan june at tag-ulan, saka kayrami-raming kalsadang binubungkal. at ang epekto sa traffic, as in…

    well, well… ^^ hello, kumustasa?🙂

    • Chicky Nicky

      ganyan ata talaga sa buong bansa eh. matindi na rin ang traffic dito sa city namin ngayon.

      Dahil nga sa tag-ulan na, nauso na naman ang sakit at hindi ako pinalad na makaligtas.😦 Ang sakit ng buong katawan ko samahan pa nitong sore throat. Ganitong-ganito din ang pakiramdam kung nung araw ng graduation ko. Muntik na akong umuwi nun at hindi makapaglakad sa ginintuang entablado dahil sa biglang pagsama ng pakiramdam ko, dahil din sa papalit-palit na panahon. init-ulan.😥

      Kamusta ka nga pala?!🙂

      • sa saliw ng awit

        hello… i hope magaling ka na. oo nga, medyo inconvenient rin talaga ang tag-ulan lalo na sa byahe, nababasa kahit pa may payong, hihi.

        meyo sad kanina but feeling ko, i’ll snap out of it, hehe. regards, kapatid. btw, bandang south ba ang inyo, southern parts?🙂

        • Chicky Nicky

          Hi, okay na ako nung nakaraang mga araw, kaso may panibagong sakit na naman akong iniinda ngayon. Nakakainis! Masyado na atang weak ang immune system ko.:/

          Yes, bandang South nga.😀
          Regards.❤

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: