Nakakainis na Reyalidad!!!

Gaanong inis?

Sobrang inis lalo na sa isang estudyante na apat na taong pinag-aralan ang lahat ng bagay na may kinalaman sa Gobyerno at tamang paraan ng pamamahala nito; mapa-Pilipinas man, Asya o Kanluran. Hindi ko alam kung masyado lang akong naging idealistic o naging bulag sa paniniwalang lahat ng pinag-aralan ko noon ay syang tunay na nagaganap. Pero ngayon lang ako tuluyang naniwala kung gaano kaluwag at kawalang kwenta ang mga batas sa Pilipinas. Mga batas na sa papel lang naisusulat at nauungkat lamang kung nag-aaway-away na ang mga elitistang namumuno sa bayan. Mga batas na nagsisilbing patunay na kahit papaano ay may  ginagawa din ang mga kinatawan ng bawat bayan sa tuwing araw ng sesyon na kanila namang ipinagmamayabang sa araw ng halalan. Kung saan ang boses ni pobreng Juan ay nabibigyan DAW ng malakas na tinig.

Pero sa totoo lang,  wala ng mas nakakainis pa sa pagtalikod, pagtapak at pagbalewala sa mismong Saligang Batas ng Pilipinas na syang bibliya ng lahat ng mga batas at ordinansa sa buong bansa. Ang aking ilalathala ngayon ay ang aking karanasan kahapon habang nagpaparehistro para maging lehitimong botante ng bansang Pilipinas. Pero ibang eksena ang tumambad sa akin.

Naaalala ko pa noon kung paano kami napilitang imemorya ang Artikulo lima ng Saligang Batas na tumutukoy sa suffrage . Hindi lang kami natapos sa pagmememorya ng kahulugan ng salitang suffrage kundi imenemorya din namin ang lahat ng may kinalaman dito kasama na kung sino ang pwede bumoto, ilang taon ang legal na edad para bumoto, kung ilang taon o buwan ang dapat na pamamalagi sa isang lugar para makaboto, kung sinu-sino ang mga hindi maaring bumoto at kung anu-ano pang nakasulat sa ilalim ng artikulong ito. Sa buong pag-aakala ko noon, lahat ng nakasulat sa Saligang Batas ay nasusunod dahil ang pagtalikod o pagbalewala dito ay isang malaking kasalanan. Naniwala din ako na matibay ang pagpapatupad nito dahil meron tayong tinatawag na COMELEC.

Kahapon lang, sumama ako sa kapit-bahay namin para magparehistro, pagdating ko doon, nag-fill-up ako ng form, tapos habang ginagawa ko yun, nabanggit ng nagpaparehistro sa amin na pwede daw dayain ang edad. Tama ba ang narinig ko? Dadayain nila ang edad para makaboto sa susunod na eleksyon? Nag-usisa ako, paano  nangyayari na ang 15 years old na mukhang matanda lang at yung mga 16-17 years old ay nakakapagparehistro? Malinaw na nakasaad sa Artikulo Lima ang edad na pwedeng magpa-rehistro. Alam mo ba kung bakit nakakalusot ang mga ganito? Ang sagot ng taong yun ay dahil pwede magparehistro gamit lang ang ID, kahit anong valid ID tulad ng school ID. Kalokohan diba? Pwede din daw ang birth certificate pero mas ginagamit nila ang school ID para mas madaling makalusot; para sa darating na eleksyon, may siguradong boto sila ng kapartido nya! Oh diba?! pati ako nabiktima. Oo, biktima ako ng pang-rerecruit ng kapit-bahay namin. Akala ko, sasamahan nya ako magparehistro in good faith, yun pala, hindi. Pero dahil naglakad na ako ng pagkalayo-layo sa ilalim ng tirik na araw na walang payong, nagparehistro na lang ako. Binigyan kami ng taong yun ng 60.00 bilang pamasahe namin.

Malapit na mag alas-singko nng dumating kami sa opisina ng COMELEC, at doon, nadatnan namin ang mga empleyadong hindi ata alam ang ibig sabihin ng code of conduct. Dahil sa sobrang taas ng kilay ng clerk, inakala ko na abot-langit ang galit nya sa amin nung nagtanong kami sa kanya. Nung magpapa-picture na para sa voter’s ID, ngumiti ako at narinig ko syang nagsalita at sinabing pangiti-ngiti pa. Aba! pakialam nya ba? Hindi ko na sya pinatulan dahil malamang isa rin sya sa maraming polpol na empleyado ng gobyerno na pakiramdam nila mga DIYOS na sila. Hindi na ako magsasalita ng masama laban sa kanya, okay?🙂

Pero isa lang ang napagtanto ko, ganito na ba kaluwag ang batas sa Pilipinas? Kaya naman pala puro mga garapal na pulitiko ang naluluklok at hindi umaahon ang Pilipinas kasi ganito ang kalakaran. Lintik naman talaga!!!! Nakakainis!!! Oh sige, kontrolin nyo na ang buong bansa mga makasariling mga pulitiko. Ngayon hindi ko alam kung maniniwala parin ako sa cliche na 1 person can change the world. Pakiramdam ko magiging idealistic ulit ako kung papaniwalaan ko yan. Hindi ko na alam kung papaano pa aahon o magbabago ang Pilipinas kung ganito ng ganito ang kalakaran. Siguro delubyo na lang ang makakapagpabago ng kapalaran ng Pilipinas, delubyo na kikitil sa buhay ng mga gahaman, polpol, naghahari-harian, mapangamkam  at naglilinis-linisang mga pulitiko.

Isa pa, sa mga empleyado ng gobyerno na pakiramdam nila ay DIYOS na sila, isipin nyo sino ba ang nagpapasweldo sa inyo? Ang taong bayan. Oo, ang taong bayan na madalas nyong minamata. Isipin mo din, may blackberry ka ba kung hindi dahil sa taong bayan? Makakabili ka ba ng mga kolorete mo kung hindi dahil sa taong bayan? Isipin mo yan ng mabuti, isipin mo na kung ikaw lang, hindi mo makukuha ang japex mong luho sa katawan. Kaya umaayos ka, aralin mo nang mabuti ang ethical standard o ang code of conduct na yan para sa mga empleyado ng gobyerno. At kung pwede lang, bawas-bawasan nyo rin ang paglalaro ng ZUMA o Plants vs. Zombies sa oras ng trabaho. Hindi ba kayo nahihiya? O sadyang nahawa na kayo sa ibang mga pulitikong Dinodyos ninyo na ubod ng kapal ang mukha, na akala mo walang kabalbalang ginagawa dahil kung maglakad ay taas noo pa! Kamay dito, kamay doon. Ngiti dito, ngiti doon.

 

Eto ang iiwan ko sa ‘yo masugid kong taga-basa:

Pilipinas, san ka patungo?

Ikaw noypi, anong kaya mong gawin para sa bayan mo?

Kung ang sinasabing tanging boses natin na nabibigyan lang ng pansin

tuwing eleksyon ay napapalitan, nabibili at nadadaya?

Hindi ko alam kung may magandang bukas pang hinaharap ang bayan natin.

Nais maniwala ng puso ko na may magandang bukas pa para sa atin pero kabaligtaran talaga

ang sinasabi ng isip ko.

Ikaw, sa tingin mo ano pa ang pwede nating gawin

bukod sa maniwala na may magagawa ang isa nating boto?


8 responses to “Nakakainis na Reyalidad!!!

  • galen fontanilla

    Gusto ko lang ipaalam na ako’y natutuwa dahil may mga kabataan pa ring katulad mo na malakas ang loob na ipahayag ang tama at naninindigan sa katotohanan.

    • Chicky Nicky

      Sa totoo lang, may takot din akong nararamdaman sa tuwing maiisipan kong magsulat nang mga ganitong klaseng katha dahil alam ko kung sino ang pinapatamaan ko at kung sino ang maari pang tamaan nito. Pero nangingibaw parin sa akin na maisatitik ang mga kabalbalang aking nakikita na nagaganap sa aking paligid. Hindi lang yan ang nangyayari, marami pang iba na nakita mismo ng dalawang singkit kong mga mata. Hehe!😉

      Salamat sa pagdaan sa mundo ko!😀

  • Solid Liquid Gas Plasma Matter

    Baka naman po kasi SK sila magpaparehistro. hehehe.

    but seriously, ako personally, kahit na alam kong hindi dapat, pero matagal na kong nawalan ng pag-asa dito sa bayan natin.

    Naniniwala ako na ang isang malaking problema, ay masosolusyonan lang ng isang malaking pangyayari.

    Hangga’t hindi nagbabago ang ating kaisipan o psyche, iikot lang ng iikot ang lahat.

    • Chicky Nicky

      Hehe.. hindi naman ako maiinis ng sobra-sobra kung alam kong SK, kaso hindi at proud pa sila na ganun ang kalakaran. Noon, naniniwala din ako na may pag-asa pa. Ngayon, habang nakikita ko ang maruming kalakaran na pilit pinagtatagpan ng marami, pilit ko na lang din na pinapaniwala ang sarili ko na marahil sa darating na mga panahon, maaring magkaroon din ng magandang pagbabago. Sana…

      • Solid Liquid Gas Plasma Matter

        Don’t lose hope, sabi nga sa wikang ingles. pero, ang kalagayan ko ngayon, ang isa sa mga kanser ng lipunan natin. “indifference” o pagka “wala ng paki alam”.

        pero bukod sa mga yan, may isang bagay na nakakalimutan ang karamihan ng pilipino. hindi pwedeng puro sana o dasal lang, kelangan may aksyon o gawa din.

        Ngunit sa kasamaang palad, kung ano man yung aksyon o gawa na yun, ay hindi ko rin alam.

  • kamillemora

    minsan talaga nakakalungkot na maging bukas sa realidad.. sana my magagawa pa tyo.. bago pa mahuli ang lahat.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: