Kwentong Cellphone, Load, at Textmate

Elementary ako nung una akong nagka-cellphone. Bosch ang cellphone ko nun, may kalakihan at higit sa lahat may antenna para makasagap ng signal. Nung mga panahon na ‘yun prepaid cards lang ang uso worth 300. Hindi nagtagal, meron na ring 100 na prepaid card. Nung una hindi ako madalas mag-load pero yung kaklase ko na bestfriend korin, madalas mag-load. May araw pa nga na naglalakad kami pauwi, tapos bigla na lang syang tumawag at ako naman, sinagot ko rin. Nag-uusap kaming dalawa gamit ang cellphone namin kahit pa na ina ang mga siko namin. Ngayon ko lang naisip, para kaming mga engot. (hehe)

Hindi lang yan, dahil sa laki ng mga cellphone namin, inakala ko rin na yung prepaid ay sinasalpak sa likod ng cellphone at unti-unting natutunaw ng kusa. Haha.. hanep diba? (Nag-ugat ang kaisipan na yan nung makita ko ang pinsan kong may hawak na card na parang prepaid card din ang laki  pero merong butas malapit sa gilid. Yun pala, SIM ang nakalagay doon. Nyak! High School na ako nung nalaman ko na SIM pala yung nakalagay dun.

Grade 6 ako nung nagkaroon ako ng textmate, akala ko pa noon true love na yun dahil talagang tumitibok ang puso ko sa tuwing magte-text yung lalakeng hindi ko na matandaan ang pangalan sa sobrang tagal. Haha.. Akalain mo yun, na-inlove ako sa textmate ko. Weh…

Nung nag-high school ako, papalit-palit na ako ng cellphone (parang may-kaya lang pero wala talaga. haha) Kaya ayun, nagkaroon ulit ako ng maraming textmate, yung iba taga-dito din sa amin, yung iba taga-ibang lugar. Dumating pa ako sa punto kung saan bumibili ako ng Kitiki-TEXT magazine kung saan may mga ibat-ibang quotes, ring tones na pwedeng i-compose at higit sa lahat, makakita ng mga numero ng mga taong gustong makipag-textmate. Syempre nakatagpo din ako ng mga bagong kaibigan dahil sa mag na yun.  ;)

Nadagdagan pa ang mga textmate ko nung nauso ang FREE TEXTS at FREE CALLS. May taon na sobrang dami ng free texts at free calls, bukod pa jan, nauso din ang sim swap. Yep, kaya naman madalas din akong magpalit ng mobile number. Ginagawa namin yun ng mga kaibigan ko para makatipid sa load. May sim ka ng bago, may free texts at calls ka pa! San ka pa jan?! Tipid sulit talaga!

Nung nag-fourth year high school ako, nahawa ako sa kaibigan ko na mahilig na makipag-meet sa mga textmate nya, yung tinatawag na EB o Eyeball. Kaya minsan, sinubukan ko makipag-meet sa isang lalakeng halos kasing edad ko rin. Pero hindi ako nag-iisa, kasama ko yung kaibigan ko at sa malapit sa simbahan kami nagkita dahil nagsimba yung textmate ko at yung mama nya. Nung dumating kami sa church, nag-text ako kung nasaan na sya, may nag-reply sa akin, Nandun si Jensen sa waiting shed, kulay ganito ang polo nya at may dala syang payong. (Mama nya pala yung nag-reply, kasi itong si textmate eh nakikigamit lang pala ng cellphone ng ermat nya.)

Pumunta kami sa waiting shed na tinkoy sa text at may nakita kaming lalakeng nakaupo at nag-yoyosi; tsinito sya at maputi. Sa totoo lang, mejo natakot ako kasi baka adik kasi nga naman nag-yoyosi (paranoid ako high school pa lang). Hehe.. Hindi ko alam kung paano kami nagisumulang mag-sap, bigla na lang kaming magkakasamang tatlo – ako, siya, at ang kaibigan ko.  Magic bang matatawag yan o abilidad? ;) Hindi ko alam kung kami ang lumapit o sya pero hindi na bale ‘yun.

Habang naglalakad kami, biglang umulan kaya naman pinayungan nya kami. Oh di ba?! gentleman naman pala ang mokong. Habang binabaybay namin ang kalsada, bigla siyang nag-salita at sinabing “ililibre sana kita kaso may kasama ka pala”. Nagulat ako at yung kaibigan ko naman biglang nagalit at pinagsabihan sya. haha! Lokong lalake yun, walang pakiramdam.

Pagkatapos nun, sumakay na yung kaklase ko sa tricycle, kami naman, patuloy sa paglalakad, tinanggihan ko rin ang alok nya na kumain kasi nga naman, nakakatamad at alam mo na, dyahe kasi.😛

Habang naglalakad,kinailangan kong lampasan ang tatlong baitang ng hagdan dahil may nakaharang, kaya inabot nya ang kamay nya at tinulungan ako. (Parang telenovela lang sa pagiging gentleman. hehe)

Hawak-hawak nya yung payong, pilit kong kinukuha kasi nahihiya ako pero sabi nya “wag na, ako na” at habang nag-lalakad kami, lagi akong nasa left side nya, kapag napupunta ako sa right side, lumilipat sya (na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit kasi hindi ko rin naitanong). Hinatid nya ako hanggang sa sakayan at umalis sya nung nakasakay na ako. Ang sweet… Haha! (blush, blush)

Kahit na hindi maganda ang impression ko sa kanya dahil sa pag-yoyosi nya, gentleman naman pala sya at higit sa lahat, may kabaitan din. (Ayeeee…) Hindi sa panlabas na katauhan makikita ang kabutihan ng isang tao. Pak!

Marami akong naging textmates, pero iilan lang ang naging kaibigan ko at talagang masasabi kong mabait.🙂

‘yan ang kwento ko, wala bang kwenta? okay lang. haha! at least binasa mo kahit pahapyaw.😛

 

Maiksing Paghahambing:

Mula sa cellphone na may antenna hanggang sa ubod ng mahal na smartphone ngayon.

Mula sa sim card na tag 900 noon hanggang sa sim card na 25 na lang ngayon.

Mula sa Load na 300 noon hanggang sa e-load na 10 na lang ngayon.

Mula sa totoong textmate noon hanggang sa jejemon na textmate ngayon.

😉


5 responses to “Kwentong Cellphone, Load, at Textmate

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: