Masasabi mo bang Mayabang ako?

Sabi nila mayabang daw ako. Sabi pa nga nung propesor ko nung college ako,”ay ang yabang nya.. mayabang ka (sabay ngsuso sa akin).” Nung mga panahon na yun ay sumasailalim kami sa isang Legaslative Enhancement Program kung kaya tuwing Session Day ay nag-oobserba kami sa lokal na mambabatas habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin dito sa aming lalawigan.

Nung minsan, lumapit ang mga pulitiko sa amin at isa-isang nakipag-kamay. May isang pulitiko na kamag-anak daw namin sabi ng tatay ko, kilala ko sya sa pangalan pero siya, hindi nya ako kilala at iyon ang una naming pagtatagpo. Tulad ng ibang pulitiko, nakipag-daupang palad din ako at ngumiti sa kanya pagkatapos nun ay hindi ko na sya ulit nabigyan ng pansin. Dahil sa ginawa kong yun, nasabihan ako ng “mayabang” ng propesor namin.

Aaminin ko, naapektuhan ako. Pero naisip ko, hindi ko intensyon yun, yun lang talaga ang ugali ko. Masisisi nya ba ako? Siguro bilang guro, oo; pero bilang tao na may pantay-pantay na karapatan sa lipunan at may sariling prinsipyo sa buhay, hindi nya ako masisisi.

Bakit ko ba nagawa yun?

Una, ayoko magpanggap sa harap ng ibang tao. Ako ang tipo ng tao na hindi nakikipag-usap ng matagal sa kahit na kanino, maliban na lang kong interesante and taong kausap ko at kung may matututunan ako. Sa mga pangkaraniwang pakikipag-usap sa taong hindi ko “feel”, tama na sa akin ang hi o hello at pangungumusta sa mga magulang ko o sa takbo ng buhay ko, pagkatapos nun, magpapaalam na ako para umalis.

Pangalawa, naisip ko na “politically related” lang naman kami. Bakit ko nasabi yan? Simple, dahil sa pulitika. Nung tumakbo sya bilang myembro ng Sanggunian Panlalawigan, napadpad sya sa lugar ng  lolo at lola ko para ikampanya ang sarili. Nung mga panahon na  yun, pulitiko rin ang lola ko, naging bise mayor sya at kalaunan ay naging mayor. Dahil sa pareho sila ng apelyido at nagkataon na may mga iilan na kamag-anak na medyo pamilyar din sa sinasabi kong pulitiko, inangkin nya na na kamag-anak ang lolo at lola ko. Malaki ang naging tulong ng lola ko sa kampanya nya dun sa lugar nila. Dahil dun, naisip ko na “politically related” lang kami dahil kung hindi dahil sa pulitika, hindi naman nya matatagpuan ang lugar ng lolo at lola ko at kikilalanin ang mga ito.

Sa totoo lang, ni sa hinagap ko, hindi ko iniisip na magkamag-anak talaga kami pero bilang respeto na lang sa mga lolo at lola ko, sa magulang ko at sa nasabing pulitiko, inaangkin ko na lang rin siya bilang kamag-anak dahil hindi naman din masama ang ugali nya. Pero hanggang ngayon, Sir o Board Member parin ang tawag ko sa kanya na sa tingin ko ay hindi na mababago sa paglipas ng panahon.

Sa buhay ko, may prinsipyo akong pinang-hahawakan na patuloy kong pang-hahawakan hanggat kinakailangan (ibig sabihin, may hangganan din ang prinsipyo ko, dahil ayoko na maging “pride” iyon sa kalaunan).

Mayabang ba akong maituturing sa pagtalikod ko sa taong kamag-anak daw namin?

Ano sa palagay mo?


12 responses to “Masasabi mo bang Mayabang ako?

  • fancyface0891

    Kung sakali man n pumapel ka dun at lalo n kung feeling mo magpakilala n “related o politically related” kayo, mas sasabihin nila ginagamit mo influence ng pamilya mo at gnun din nmn ibabansag sayo, MAYABANG… (akala mo kung sino, yun pa side comment maririning mo sa iba).

    Kya gawin mo gusto mo, magkakaroon ka pa ng sariling identity at khit paano hindi ka lagi sa anino ng mga kakilala mo..🙂

  • lablab

    pabayaan mo sila. if you know yourself more, that is enough. smile.

  • marrymhey

    ganun talaga mga tao.. manahimik ka sa hinid laging may nasasabing against.. ^_^
    wag mo na lang sila pansinin.. ikaw ang lubusang nakakakilala sa sarili mo..
    at pag ganun.. sila lang maiinis.. ikaw hindi.. ahihih
    cheers ^__^

  • lablab

    ikaw ay ikaw. we have free will. if you want that then go. nasa isip lang yan.

    • Chicky Nicky

      oo tama, free will. sang-ayon ako dyan kaibigan! ilang beses ko yan napag-aralan nung kinukuha ko ang undergrad degree ko. hehe.. kaso hindi naman din “absolute” ang free will na ‘yan, may mga limitasyon din pagdating sa mga piling sitwasyon.😉

  • bebekoh

    di mo naman tinalikuran ang kamag-anak mo eh. bukod dun, i don’t think its kayabangan. Kami rin, me politician relatives na father side. Pero ni isa dun, di ko kilala personally. di ko naman sinasabing ayaw ko silang makilala at di rin ibig sabihin di ko sila kikilalanin kamag-anak. pero kung yun lang ang dahilan para masabing magkamag-anak kami, wag na lang… know what you feel!🙂

    • Chicky Nicky

      Oo, tama! ramdam din kita! ramdam na ramdam! hehe..
      pero minsan, nakakinis lang kasi talaga isipin na naglalakad ka sa kalye, nakikisalamuha ka sa ibang tao na walang bahid ng galit o anu pa man, yun pala sila iniisip na isa kang mayabang na nilalang. tao nga naman talaga. tsktsk..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: