Bading agad? Hindi ba pwedeng nag-iingat lang?

Bading agad? Hindi ba pwedeng nag-iingat lang?

Peeeeeepppp… Peeeppppp… yan ang mahabang ugong na maririning mo sa kahabaan ng national highway dito sa syudad namin lalo na kapag oras na ng uwian ng mga nag-oopisina.

Isang hapon pagkagaling ko sa simbahan naisip kong umuwi ng maaga dahil sa pagod na ako sa maghapong pag-tambay sa dati kong pinagtatrabahuhan. Sumakay ako sa front seat ng isang multicab para madali akong makababa. Ako pa lang ang nag-iisang pasahero, habang tinatahak namin ang kahabaan ng Rizal Avenue, habang unti-unting napupunan ang bakanteng upuan. Si manong medyo pagewang-gewang kung magmaneho ng multicab nya na may kalumaan na rin. Pero hindi ko yun pinansin dahil nag-eenjoy ako sa malakas at mejo malamig na hangin na sumasampal-sampal sa pawis kong mukha.

Ilang kanto at intersections din and hinintuan namin bago kami tuluyang lumihis sa kahabaan ng Rizal Avenue. Nung nasa National Highway na kami ibat-ibang sasakyan din ang nakasabayan ng multicab na sinasakyan ko, nanjan ang sasakyang may dalawang gulong, tatlong gulong, apat na gulong kung minsan may sasakyan pang anim hanggang walong gulong na kapag nadaanan ka para kang malaking lamok na nabugahan ng masamang usok.

Isang problema dito sa lugar namin eh ang makitid na kalsada na kasing kitid ng utak ng mga taga-DPWH, pagkatapos i-aspalto bigla na lang bubungkalin ulit at lalagyan ng karatulang “Men At Work”. Delekado ang kalsada dito sa amin, lahat ng uri ng sasakyan na may gulong ay sama-samang tinatahak ang nag-iisang kalye na kung minsan kapag nagkakainitan ang dalawang drayber ay nagdudulot ng aksidente.

O, nalihis na ako sa kwento ko, kaya ibabalik ko na. Ayun na nga, sa kahabaan ng highway may sinusundan yung sinasakyan kong multicab na isa pang multicab, dahil nga sa traffic at may taong tumatawid yung sinusundan namin multicab  medyo mabagal itong magpatakbo, na kung titignan ko eh hindi naman kabagalan dahil tiyak ko, nag-iingat lang si manong driver pero itong manong driver na katabi ko, biglang nag-sabi na “Parang tanga tong drayber na to, bading na drayber talaga”. Tinignan ko ngayon si manong driver na katabi ko, nakita ko ang malaking bakas ng pagkabwisit sa mukha nya. Hindi pa man din ako nakakakurap, biglang bumilis ang takbo nya sabay biglang preno, at nasabi ko sa sarili ko, “parang tanga si manong”.

Tapos naisip ko, ahh… ganito pala yung lalakeng drayber, pagewang-gewang mag-drive tapos magpapatakbo ng mabilis at biglang magpepreno hindi pa makokontento, bubusina pa ng sobra sa tama. Tsktsk… Nalintikan na talaga. Kung ako ang papipiliin, mas gugustuhin ko pa ang tinatawag ni manong drayber na “bading na drayber”, dahil sigurado ako na hindi disgrasya ang aabutin ko.

 

Sana dumami ang bading na drayber sa Pilipinas!

 


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: