Ambisyosa Kasi

Ilang araw na ang nakakalipas nung mag-resign ako bilang MT sa Video City Palawan dahil sa isang sitwasyon na kung saan mas pinili ko ang nakabubuti para sa aking pamilya hindi para sa aking sarili. Ngayon, bigla kong naisip ang isang ambisyosang staff na talagang nagdudulot ng matinding inis sa akin sa tuwing naaalala ko.

Ganito yun, noong nagsisimula ako, napansin ko agad ang hindi nya kagandahang ugali pero pinalampas ko yun dahil kelangan ko sya para turuan ako. Bilang isang immediate superior nila, ramdam ko ang hindi nya pagpapakita ng galang sa akin hindi tulad ng ibang staff. Pakiramdam nya siguro dahil sa baguhan pa lamang ako at talagang nangangapa pa sa sistema nila, eh kaya nya na akong kontrolin at okay lang na hindi nya ako i-respeto.

Ngayon, bilang isang mapag-obserbang nilalang, sa ilang araw na nakasama ko sya (yung head cashier) nakita ko ang nakakairita nyang pag-uugali. Ako yung taong tahimik lang pero nagmamasid at nagsusulat ng mga puna kaya heto ang aking mga obserbasyon tungkol sa Head Cashier slash ambisyosa slash feeling superior slash babaeng may rude behavior slash prangka (prangka na kung minsan, wala sa lugar).

Napansin ko na umaapaw ang pagiging superior nya tulad ng nabanggit ko sa ikalawang talata; napansin ko rin ang kayabangan nya at ang lantaran nyang pagiging ambisyosa. Sya ay ang tipong ‘pag nakaroon ng oportunidad na makalamang sa kapwa, gagawin nya ang lahat makuha lamang ang gusto nya. Isa rin syang klase ng nilalang na kung saan pakiramdam nya alam nya ang lahat dahil talagang pinapangunahan nya ako sa lahat ng bagay.

Sa pananalita at pakikitungo nya sa ibang CSAs akala nya, napakalinis nya at akala nya walang puna sa kanya ang mga ito. Sa pamamalagi ko dun, lagi nyang pinag-iinitan yung lalakeng CSA, lahat napupuna nya na parang sya napakalinis at walang bahid na kahit ano mang kasamaan. Pinagtatawanan din nila ang nasabing lalake, iniisip pa nila na bading ito dahil sa mahinhin nitong kilos at may kapayatan ang pangagatawan. Pero sa totoo lang, mas masahol pa ang mga violations na ginagawa nya at nung alipores nyang babaeng CSA kesa sa lalakeng CSA.

Heto ang mga obserbasyon ko: una, laging pumupunta sa store ang special friend slash obvious boyfriend nya na visor ng restaurant na nasa harap namin tapos sasabayan pa nila ng PDA. (eww.. kakadiri.) Pumunta ka sa ibang establisyemento dito tulad ng NCCC Mall tignan mo kung may CSA na nakipagharutan sa jowa nya sa oras ng trabaho.

Pangalawa, kung makapag-retouch ng mukha talagang nasa counter pa, sa harap mismo ng mga customer na pumapasok. Hindi nya siguro alam ang salitang “etiquette” kaya wala syang pakundangan kong makapag-salamin at makapag-lipstick.

Pangatlo, ginagamit nya ang landline para makipag-usap sa jowa nyang nasa kabilang kalsada lang naman. Mabuti sana kung once lang ginagamit eh hindi eh, madalas nya rin yung gamitin. Naku naman!

Pang-apat, kung makagamit ng sarili nyang mobile phone wala man lang pakialam kung nasa trabaho sya o wala. Text dito, text dun minsan may tawag pang sumasabit.

Pang-lima, sa tuwing magtatanggal sya ng mga locks ng VCDs para mai-out ng customer, madalas nyang nahuhulog sa sahig ang mga locks dahil sa paraan ng paghagis nya, bukod pa dyan sa sobrang bilis nyang kumilos, nakakalimutan nya na may mga customer sa harap nya na nakatingin at malamang, naiirita na rin sa kanyang magaspang na galaw. Ako kasi na nandun, naiirita ako kapag ganun ang kilos nya. tsktsk

Pang-anim, hindi sya marunong gumalang sa mga customer. Minsan, magsasara na kami at may customer pang namimili ng VCD na i-rerent nya, bigla nya yung nilapitan at sinabing “Pakibilisan yung pagpili, magsasara na kasi kami”. Natunganga ako, hindi nya ba alam na bawal ang ginawa nya? Hindi nya ba binasa yung manual na ibinigay sa kanya nung nag-hire sya? Customer namin yun, kahit gaano kami ka-busy o kahit na nagmamadali na kami sa pagsasara, hindi namin yun pwede sabihin sa customer.  (Kinabukasan, sinabihan ko sya na wag nya na ulit gagawin yun kasi customer namin yun, hindi maganda pakinggan at may chance na ma-offend ang customer, pero syempre mukhang hindi nya naiintindihan ang edukadang uri ng pagsasalita kaya parang deadma lang sya dahil sa paraan ng pagrarason nya.

Pang-pito ang kanyang magaspang na pag-uugali. May aristokratang customer na gusto mag-rent ng VCD sa loob ng dalawang araw pero hindi yun pwede dahil bagong labas pa lang ang VCD, kaya sinabi ng babaeng CSA na mag-penalty na lang daw para mahiram nya yung VCD ng matagal. Hindi ako kumibo, nag-oobserba lang ako, dinig ko ang sinabi ng customer “ano? penalty? parang sinabi mo na mag-suicide na lang ako, kung baga sa pasyente, patay na agad wala pang first aid“. Bwahahaha… natawa ako sa loob-loob ko, may punto ang customer, hindi ba inaral ng CSA ang tamang approach sa mga ganoong pagkakataon? Na kung iisipin eh college graduate sya at ang pinag-aralan nya ay Public Administration. (Wag ka kumontra, may connect ang PA sa pag-hahandle ng mga tao, napag-aralan din jan ang behavior ng mga tao at kung anu-anong approaches sa pag-mamanage.)

Sa kabila ng medyo mainit na sitwasyon, hindi parin ako nagsalita, hinintay ko yung ambisyosang head cashier ang magsalita, hindi nga ako nagkamali, nag-explain sya sa customer, todo paliwanag talaga sya with enormous conviction pero sa huli ang sabi ng customer “ano ang ibig mong sabihin? hindi kita ma-gets.” Sa oras na yun, gusto kong humagalpak sa tawa. Ganun pala ang eksena kapag yung mga aristokratang customer na ang nakakaharap nya.

Hindi pa natapos dun ang kwento, nung magbabayad na si customer, may biglang existing penalty pala sa account nya. Kaya etong ambisyosang head cashier eh siningil si customer ng partial payment para sa penalty, katulad ng inaasahan, ginisa na naman ni customer ang dalawang matatalinong staff ng VC.

Dahil sa hindi makumbinse ang customer sa mga sagot nila, eh nagpakita na ng pagkadismaya ang head cashier, sumimangot eto, at sinabi sa kanya ng customer “oh bakit nakasimangot ka na?” natawa na naman ako sa loob-loob ko. hahaha! Sapol na naman sya, sabi ni customer “wala naman akong pinermahan nung nag-apply ako ng membership na may ganito palang penalty“, sumagot na ako ng pinaka-safe na sagot, ma’am company policy po kasi yan at ipinaliwanag ko ang rason kung bakit may penalty. Sumagot si ma’am, wala akong pinermahan, kaya naisip ko ang membership form, kumuha ako ng isa at binasa ang mga rules, buti na lang may nakita akong isa na pwedeng gawing rason at binasa ko yun sa harap nya. Ang ending, tumahimik si customer at nagbayad, maya-maya bigla na namang nagsalita yung head cashier pero tumigil sya ng sinabi ng customer na, “tama na, binasahan na ako eh”.

Pero hindi pa ulit jan natatapos ang kwento, humingi pa si customer ng kopya ng “rules” na binasa ko, itong head cashier, biglang pinilas ang “rules” na naka-attach sa membership form, as expected, nagreklamo na naman si customer at sinabing “ano ba yan, ang ganda-ganda mo pa naman, pero tong binagay mo sa akin ganito ang pagkakapunit, parang lalakeng hubad”. hahahaha! ayan, nakita mo? talagang ang gaspang ng pag-uugali nya pero sa tingin ko hindi nya parin yun naisip. Ambisyosa na, manhid pa.

Nung papaalis na si ma’am, tinanong ko sya kung nag-aral sya ng law o kumuha ng ilang subjects sabay sabing “masyado po kasi kayong particular sa mga technical terms ma’am”, na totoo naman. Ang sagot nya, “oo, nag-law ako” sabay hirit na,”hindi, nurse ako”. Sabi ko naman, “ah bihira po kasi ang tulad nyo ma’am, amazing”, sabay sabi nya “tulad mo?” sabay ngiti nya.

Natuwa naman talaga ako sa sinabi nya. Kakaibang klaseng customer, hindi pangkaraniwan pero may mapupulot kang aral. Hindi ko sigurado kung may napulot na aral ang head cashier na yun pati yung alipores nyang CSA. Sa tingin ko wala, masyadong makapal ang baluti ng kayabangan na bumabalot sa kanya eh.

Bukod sa  mga kapalpakan nya na hindi nya inaari, pakiramdam nya  pa napakatagal kong matuto, sa tono ng pananalita nya, natutunan nya ang functions nya bilang sales associate noon sa loob ng isang araw. Natawa ako sa sinabi nya, hindi naman sa minamaliit ko sya o ang kakayahan nya, pero para sa isang komplikadong sistema na gumagamit ng isang uri ng standard software, napaka-imposible na matutunan nya yun overnight at hindi lang yan, isang beses lang daw itinuro ang lahat ng mga yun sa kanya. Wala rin talaga syang kayabang-yabang sa katawan nya.

Sa totoo lang, kung hindi lang sa problema na kinakaharap ng pamilya ko ngayon, talagang magtatagal ako dun at gagawin ko lahat maituwid lamang and baluktot nyang pag-iisip at napakataas na tingin sa sarili.

Isa pa, naisip ko kung bakit hindi sya pwede o magiging matagumpay na MT or store manager, bukod sa hindi sya college graduate or nakatapak sa kolehiyo eh hindi sya marunong pumili ng mga salitang gagamitin nya para hindi naman iyon gaanong makasakit sa mga kasama nya sa trabaho, o kahit sa customer.

Higit sa lahat, sana hindi sa lahat ng pagkakataon, superiority o inis ang paiiralin, dapat matutunan nya na makiayon sa kasama nya, matutunan nya na tignan muna nya nag sarili nya kung may mali syang ginagawa bago nya tirahin ang kasama nya, dahil sa huli sya rin naman ang babalikan at sigurado ako, mas masakit ang katotohanan na yun.

Sana isang araw, malaman nya kung saan nya dapat i-lulugar ang sarili nya. Yung mga ambisyosang tulad nya kapag bumagsak, ubod ng sakit yan. Isa pa pala, tinanong ko yung area manager nung tumawag sya sa akin nung araw na nag-resign ako, tinanong ko kung yung head cashier na ba ang papalit ang sabi nya, hindi. Head cashier pa rin sya. Haay… ambisyosa kasi, hindi naman pala mapo-promote kahit na umalis pa ako.

Paalala lang, sa mga taong sobrang ambisyosa, hinay-hinay lang baka mamalayan mo na lang, lumagapak ka na sa lupa o baka naman lumipad ka na ng pagkataas-taas at nakalimutan mo na kung papano lumanding ng tama, mas masakit yun pag nagkataon.


4 responses to “Ambisyosa Kasi

  • foobarph

    dapat sa mga empleyadong ganyan, nilalampaso ang mukha, boom!

  • juantamad2

    Ano-ano ang mga aral sa kwentong ito?
    Sa simpleng isipan ko, ito ay ang sumusunod:
    1. Ang gawaing mali palaging may resultang masama.
    2. Dapat i-assert ng may mataas na katungkulan ang kanyang awtoridad para baguhin ang mga mali ng mga tauhan, alang-alang sa pinaglilingkuran.
    3. Sa Pilipinas, ang tawag ng pamilya ay mas matimbang sa pansariling karera.
    4. Sa bawa’t kwento may mapupulot tayo, gamitin natin ang positibo.

    Salamat at nagkaroon ng bagong kwento, naaaliw akong basahin mga kwento mo. Nasa iyo na kung ipapublish mong lahat ang reply na ito.

    • Nichelley

      Magandang araw! Sa bawat pagbukas ko ng blog na ‘to, natutuwa ako kasi may isang tao na tulad mo na nagtyatyagang magbasa ng mga kwento ko. Hindi ka lang nagbabasa, nagbibigay ka pa ng mga komento na may aral ding mapupulot. Salamat kaibigan!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: