Pilipinas: Mula sa Mapanghusgang Balintataw

Las Islas Filipinas…

Ang bansag ng mga kastilang sumakop sa ating munting bayan.

Ang bayan kung saan isinilang  si Juan Tamad.

And bayan kung saan ang mga tao ay sanay sa “manyana habit”.

Ang bayan kung saan ang korapsyon, pang-aabuso at panlalamang sa kapwa ay patuloy na lumalaganap; kung gagamitin ko ang salitang ginamit ni Rizal, ang lahat ng ito ay “kanser” na unti-unting kumikitil sa buhay ng maraming Pilipino at sa ating inang bayan.

Isang sakit na mabilis na kumakalat sa ibat-ibang bahagi ng ating bayan.

Masakit isipin…

Masakit marinig…

Pero iyan ang katotohanan, tanggapin man natin o hindi, iyan ang sakit na patuloy na sumisira sa sinasabi nilang magandang hinaharap ng bansang Pilipinas.

Tignan mo na lang ang kalye kung saan ka madalas na dumaraan. May mga tambay nag-iinuman; kung minsan nag-aamok pa kapag

pumasok na ang ispiritu ng alak sa kanilang mga mumunting kokote. Mga kababihang nagtutumpukan sa isang kanto at nag-chichismisan tungkol sa pangagaliwa nang asawa ng kapit-bahay nila. Mga taong nag-susugal. Yan ang madalas mong makita. (maliban na lang kung mayaman ka at nakatira ka sa lugar kung saan may matataas na pader at may gwardyang umaaligid, talagang hindi mo makikita ang sinasabi ko.)

Sa pang-karaniwang Pilipinong na tulad ko, iyan ang eksenang kadalasan kong nakikita. Meron pa pala, mga kabataang nakatambay sa labas ng eskwelahan sa oras ng klase, humihithit ng nikotina na nagmumula sa isang maiksing bagay na kulay puti at pagdaka’y bubuga ng nakapipinsalang usok. Kung minsan naman makikita mo sila sa lugar na kung tawagin ay “internet café” hindi para mag-saliksik ng isang makabuluhang bagay kung hindi para maglaro o di kaya naman ay mag-FB o kaya’y mag-twitter. Kaawa-awang Rizal, umaasa pa naman siya na ang KABATAAN ang pag-asa ng bayan. Tumanda na lang ang ibang kabataan na hindi man lang sila naging parte ng pag-unlad ng bayan.

Subukan mong maglakad-lakad pa at baka sakaling may makita kang mga kalahi natin na may kakayanang magtrabaho pero pinipiling umupo na lamang mag-hapon at maghintay kung may grasyang babagsak mula sa langit. Totoo, may mga taong ganyan sa Pinas.

Ngayon, sa paglalakad mo baka makakita ka rin ng inang may kargang anak sa kabilang tagiliran at bigla kang kakalabitin sabay ilalagtag ang kamay na humihingi ng konting barya. O di ba?? Iba ang abilidad ng noypi pagdating sa pagkakakitaan. Only in the Philippines ika nga nila.

Lahat tayo.., Oo, ikaw, ako, ang nanay mo, ang tatay mo, ang mga kapatid mo at ang iba mo pang kamag-anak ay naghahangad ng pagbabago o mas maginhawang buhay. Pero natanong mo na  ba sa sarili mo “May ginagawa ba ako para magbago ang buhay kong sadlak sa kahirapan”? Sinisimulan ko ba ang pagbabago sa sarili ko o hanggang salita lang ang lahat?

Kaya eto..

Paulit-ulit kong uulitin ang sinasabi ng iba, na ang pagbabago ay magsisimula mismo, sa IYO!

Hindi sa akin, hindi sa kapitbahay mo, hindi sa kaibigan mo kung hindi SAYO!

Tara sabay tayong magbago para sa bagong Pilipinas!

Malay mo, pati yung katabi mo ngayon mahimok mo rin na magbago.🙂


One response to “Pilipinas: Mula sa Mapanghusgang Balintataw

  • kevin peralta

    ayos to. maganda kung mga taong naka basa nato ay isabuhay nila sa kanilang mga sarili . at mahikayat ang mga taong mabigyan ng ganitong mensahe para sa mga kabataan.. totoo naman talga eh . kabataan ang pag asa ng bayan . kung gagawin lahat ng mga tungkulin bilang isang kabataan dito sa ating bayan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: