Isang Araw Nagkagusto ang Crush Nila sa Akin

May kwento ako, tungkol sa buhay ko syempre. Totoong kwento ‘to kaya kung hindi ka naman interesado eh wag mo na basahin pero kung tulad ko na habang binabasa ang isang blogpost ay unti-unting nae-excite aba eh, ituloy mo na ang pag-babasa (dahil alam ko, isa ka ring tsismosa. hehe :D). Pero sana lang kapag natapos mo na itong basahin wag mo sabihing “nasayang ang ilang minuto ko sa pagbabasa ng walang-kw*nt*ng post na ‘to”, dahil ang isasagot ko sa iyo eh, hindi naman kita pinilit na basahin ‘to sa umpisa pa lang, tama?

 

Oh sya sige, magkekwento na ako sa taong interesado, katulad mo.🙂

 

Uy, alam mo ba, sa tuwing makikita ko ang pangalan “nya” sa messenger contacts ko, hindi ko maiwasan na mapangiti hindi dahil sa hanggang ngayon eh “good looking” pa rin “sya” kung hindi dahil minsan sa buhay “nya” nagkagusto sya sa isang tulad ko.😉

Oo, akalain mo may nagkagusto sa akin dati? (dati… ibig sabihin nyan, nung High School pa ako.) Nung mga panahong kulot pa ako, tapos sobrang iksi ng buhok ko (syete ata ang tawag sa gupit na yun), dagdagan pa ng supladita kong mata (singkit kasi), sabayan na rin ng sablay kong ngipin sa harap (sablay kasi yung pangil ko, tumubo sa hindi tamang pwesto, yun yun.) tapos bukod pa dyan eh isa ako sa pinakamataba (tabachoi) sa buong klase. Sa madaling salita, hindi pansinin (HINDI muse-quality). Pero wala lang rin naman sa akin lahat yan, pakialam ko ba.

Pero sino nga ba tong taong ‘to na tinutukoy ko na “nya at sya”? Yung taong tinutukoy ko sa pamagat ng post na ito?

Sya ay dati kong kaklase, isa syang Vietnamese (lalake syempre), crush sya ng marami, halos lahat ng babae may gusto sa kanya (literal na umaaligid sa kanya ang mga babae PERO hindi nya gaanong pinapansin kahit pa na sa tuwing tanghali o tuwing recess naming eh nag-uumpukan sa upuan nya ang mga haliparot kong mga kaklase (bakla at babae). Kasi sa totoo lang, pogi naman talaga sya, sabayan pa ng galing nya sa pagguhit, pagporma at paglalaro ng badminton talagang PAK na PAK! Kahit naman ako pinag-pantasyahan ko rin sya. Hehe.

Halos araw-araw hina-harass ng mga kaklase ko yung lalakeng tinutukoy ko. Samantalang ako, literal na pagilid-gilid lang tapos pasulyap-sulyap (tapos sikeretong kikiligin) haha.. Kontento na rin naman ako sa ganung pangaraw-araw na set-up.

Pero isang araw sa pangkaraniwan kong buhay eh nagbago ang lahat. Oo, as in pagpasok ko ng classroom isang hapon, yung mga babae kong kaklase hayop kung makatingin sa akin. Yung tipong may halong panlalait, pagtataka, at insulto. Oo, ganun ang mga tingin nila sa akin, peksman! Mga tingin mula ulo hanggang paa, pero syempre deadma lang ako. Kasi wala naman akong ginawang kasalanan sa kanila sa pagkakaalam ko.

Pero pagkalapat palang ng pwet ko sa upuan ko, may lumapit sa akin sabay sabing “uy, ikaw pala yung crush ni (pangalang nung lalake)”. Syempre lihim akong natuwa, sa kaloob-looban ko eh ubod ako ng saya pero hindi ko yun pinahalata. Ang sabi ko lang, sus niloloko mo pa ako (pero nararamdaman ko na totoo yun. Hehe). Hanggang sa lumapit sa akin yung lalakeng yun at sinabi nya na gusto nya ako (naman! Para akong mahihimatay). Ako? Ako? Ako? Isang babaeng hindi muse-quality ang ganda at hindi pang Bikini Babe ang katawan nagustuhan nya? Hanggang sa makauwi ako eh hindi ako makapaniwala. Kinuha nya rin pala ang mobile number ko at syempre nagpalitan kami ng text messages.🙂

Pero hindi pa natapos ang lahat nung araw na yun. Kinabukasan, ang mga haliparot na paru-paro ay naging mga putakte na gumagawa ng ingay habang nag-uumpukan, nung mapadaan ako dinig na dinig ko ang sinabi ng isa sa kanila, ganito ang pagkakasabi “bakit sya ang nagustuhan ni (panagalan ng lalake) eh hindi naman sya maganda at ang taba-taba pa). Dahil hindi ako war freak (tulad ng lagi kong sinasabi), pinabayaan ko na lang sila. Pero yung isa kong kaibigan panay ang asar sa akin, “wow ha, pang-vietnamese pala ang beauty mo”. Sa totoo lang hindi ko alam kung tatawa ako o mabwibwisit sa sinabi nya, pero syempre tumawa na lang ako sabay sabing “hindi naman…”. (humble kunwari).

Ayun…ang ending eh inaway ko yung Vietnamese para hindi na sya magkagusto sa akin at para tigilan na ako ng mga paru-parong biglang nag-transform at naging putakte. Nakakatakot kaya sila dahil sa talas ng mga tingin at pananalita nila.

Ayan ang aking kwento. Nagustuhan mo ba? Kung oo, salamat. Kung hindi naman, salamat pa rin. Hehe🙂

Pero teka, isisingit ko lang ang aking obyus na obserbasyon bago ko tuluyang tapusin ito. Dahil sa karanasan kong ‘yun, napagtanto ko na hindi lahat ng kalalakihan ay tumitingin sa panlabas na kaanyuan ng isang babae. Minsan talaga paranoid lang ang mga babae sa pag-iisip na ang lahat ng lalake eh ganun (ang totoo, hindi naman pala). Kaya mga girls, bawas-bawasan ang heavy make up at ang pagiging obsessed sa pagpapaganda, tama lang na maging conscious ka sa katawan mo at mukha mo pero wag sobra ha? Malay mo yung lalakeng nagugustuhan mo eh mas trip yung tulad ko (tamang walang kwentang ayos lang). haha..

Oh sige, tatapusin ko na ito. Hanggang sa susunod kong kwento kaibigan.

Paalam!


7 responses to “Isang Araw Nagkagusto ang Crush Nila sa Akin

  • juyjuy

    Tama, tama. May mga lalaking sadyang ganyan, yung kahit may itsura eh hindi tumitingin sa panlabas na anyo lang. Pero ikaw, ba’t mo naman inaway si Vietnamese? Sayang naman. Hehehe (nakealam ba?) Hehehe

    • Chicky Nicky

      Hehe.. Eh pano kasi ang daming nakakainis na tao, yung tipong pag dumadaan ka sa harap nila literal na nagbubulungan sila (as in!). Nakakairita kaya yun, kaya inaway ko na lang. Pero ngayon, okey naman kami nung Vietnamese, naaalala nya parin ako. Haha.. (buti na lang may Facebook)

      Nasa US na nga pala sya ngayon. Kahit na inglesero na sya, talagang gumagamit parin sya ng salita natin kapag nag-uusap kami. (wala lang, nakwento ko lang). hehe

      • juyjuy

        Haha! Naku, mga haters lang yung mga yun. Inggit lang kumbaga. Naku, siguro mas tumalim yung mga tingin nila kung naging kayo! Haha.

        O, nagpaparamdam ba? Hehehe

        • Chicky Nicky

          Haha.. Oo, mas grabe ang aabutin ko kung naging kami nung mga panahon na ‘yun.

          Hehe.. nung una, nagparamdam sya eh kaso busy ako sa pag-mamasteral ko nung mga panahon na ‘yun kaya hindi talaga ako naging interesado sa kanya. Ngayon, nag-uusap parin kami pero hindi tulad nung dati.😉

          Teka, may naalala nga pala ako, nung nasa high school pa kami tinanong ko sya kung kumakain ba sya/(silang mga Vietnamese) ng “lisa”. Ewan ko ba sa mga kaklse ko kung bakit nila pinagkakalat yung ganun, eh na-curious ako kaya tinanong ko na. Ayun, nainsulto ata sya kaya nagalit sa akin. haha.. Kitang-kita ko ang pagkainis nya nung tinanong ko yun. Kaya nga pag-naalala ko, nahihiya ako sa kanya. hehe. (talagang nag-kwento ako ng buhay ko. pwede ng isang post ‘to.)😉

          • juyjuy

            Haha! Oh well, highschool days, lahat ng mga bagay pinapatulan kahit tsismis. Hehehe. Talaga? Eh di ano na? (at talagang naki chika pa talaga ano?)

  • juantamad2

    me dating ka rin siguro, kahit tabachichi hehe kanya kanya bawat isa lang naman talaga eh, yung iba gustong chic walang make up, gusto ko may lipstick, diskarte mo na yan kung saan ka masaya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: