Hindi na Natuto

Meron kaming isang maliit na tindahan kung saan nagtitinda kami ng mga pangaraw-araw na pangangailangan ng mga kapitbahay namin. Nung una natatawa ako kapag may bumibili at ganito ang sinasabi:

 

Unang Kwento

Bumibili: Ate, pabili po ng Colgate.

Ako: Anong toothpaste? (Dalawa kasi, Close-up at Colgate)

Bumibili: Yung Colgate po ate. sabay turo ng Close-up. drat!

 

Ikalawang Kwento

Bumibili: Ga, pabili ng 3in1.

Ako: Ate, aling 3in1 po?

Bumibili: yun oh…

Ako: alin po jan? Yung Kopiko o Nescafe?

Bumibili: Yun Oh, yung 3in1, yung Pula (tumutukoy sa Nescafe red).

Note: Kapag 3in1 ang binibili, isa lang ang ibig nilang sabihin NESCAFE RED, wala ng iba kahit na marami pang options kahit pa may Great Taste 3in1 (na sa tingin ko mas masarap), Nescafe Violet, Brown at Black, at Kopiko brown at black. Basta 3in1 nescafe RED lang, wala ng iba! Wag ka na kumuntra kasi ikaw ang lalabas na boplax. jeng!

 

Ikatlong Kwento

Bumibili: Pabili ng Maggi (mayabang na boses), yung HOMI BEEF.

Ako: Nagsasalita sa isip – Naman, hindi ka na natuto! Ilang beses ko na inulit-ulit sa iyo noon ang salitang NOODLES. Grabe ka!

 

Hindi lang yan, marami pang ibang instances kung saan parang may mga saltik ang mga bumibili. Nakakainis, ilang beses mo man turuan, hindi talaga nila natatandaan. Sa una matatawa ka, tapos maiinis ka na, tapos pagpapasensyahan mo pa rin, pero sa huli maiisip mo na, ilang daang libo o milyong Pilipino kaya ang ganito mag-isip?

Nakakalungkot isipin pero kung marami sila, yun ang pinakamasaklap na katotohanan. Baw.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: