Ano sa Tingin mo Kaibigan?

Alam ko na maraming Pilipino ang naghihirap, maraming Pilipino ang nangangailangan ng tulong upang matustusan ang pangaraw-araw nilang buhay. Ang problema sa maraming kababayan natin, lahat ay inaasa sa gobyerno o sa mga pulitiko.

Ganito ang laging kaisipan ng nakararami “utang mo sa amin ang pagkakaluklok mo sa pwesto”. Ibig sabihin, dahil sa salitang “utang”, nangangahulugan lamang na kailangan itong bayaran. Kung ganito ang kaisipan ng maraming Pilipino, patuloy lamang tayong malulugmok sa burak ng kahirapan.

Nakakainis makita na marami sa ating mga kababayan ay umaasa sa tulong ng gobyerno o sa tulong ng isang pulitiko. Nakakainis din makita na marami sa ating mga kababayan ang walang ginawa mag-hapon kung hindi tumunganga, makipag-kwentuhan, o kaya naman mag-sugal. Palagi na lang ba natin paiiralin ang konsepto ni Juan Tamad? Pwede ba na Juan Sipag na lang total naman nasa 21st century na tayo ngayon? (bakit kaya hindi sumulat ng bagong bersyon ng Juan Tamad? Yung kabaligtaran ng buong kwento, at iyon na lang ang ituro sa mga susunod na henerasyon?. Pwede naman siguro noh?

Isang araw, pumunta ako sa isang pulitiko, kung sabagay, kamag-anak ko naman sya at isa pa, talaga namang pinapupunta ako dun, ala syete pa lang ng umaga, nasa bahay na nila ako kasi may session sila nung araw na iyon. Pagdating ko sa bahay ng pulitiko, may nadatnan ako, isang babaeng buntis. Nagkwentuhan muna kami kasi nag-jogging pa yung pulitiko. Habang naghihintay tinanong ko yung buntis kung ano ang pakay nya (pero alam ko, hihingi sya ng tulong); ang sabi nya, hihingi daw sya ng tulong pinansyal; pang-dagdag daw nya sa perang pangpa-ultrasound nya (hindi nga ako nagkamali).

Tinanong ko sya…ate, ilan po ba ang anak nyo?

Ang sagot nya, lima ang anak ko. (Weh.. Pinoy talaga.. hirap na nga, dami pang anak.)

Ang pangalawa kong tanong, ate, san po kayo nakatira?

Taga dito po ba kayo sa syudad?

Ang sagot nya… “Oo. Pero taga munisipyo talaga ako ng Roxas; malapit lang dito ang bahay na inuupahan namin, isang sakayan lang”.

Ayon sa kwento nya, nakausap nya na raw nung isang araw yung pulitiko pero nagkataon na may bisita kaya naman hindi na sila nakapag-usap ulit tungkol sa tulong na hihingin nya.

Tinanong ko sya ulit, ate, madalas po ba kayo humingi ng tulong?

Ang sabi nya hindi, minsan lang daw. Ang sabi nya pa, mabait daw yung pulitiko na hinihingan nya ng tulong ngayon, dati daw kasi binigyan sya ng 500. Hindi daw tulad ng ibang pulitiko na nagtatago kapag may mga humihingi ng tulong.

Ang sabi ko sa kanya, ate, hindi naman po kasi mayaman lahat ng pulitiko dito sa atin, yung binibigay nilang tulong minsan ay nanggagaling mismo sa bulsa nila.

Tapos biglang dumating yung pulitikong hinihintay namin. Agad na lumapit si ate at sinabi nya ang pakay nya. Si pulitiko tinawag si misis nya, humingi sya ng 50 pesos, at iyon ang iniabot sa babae. 50 pesos? Grabe! bigla kong naisip, ang mga beteranong pulitiko, talaga palang makukunat na. Siguro kong ako ang pulitiko, mahihiya akong magbigay ng 50 kasi nga naman pang-ultrasound, kahit sana 100 na lang ang binigay pero ganun talaga, pag binigyan mo ng malaking halaga, babalik at babalik yan kahit nga maliit na halaga eh babalik pa rin.

Hindi ko alam kung sino ang sisisihin ko, kung yung pulitikong bigay ng bigay ng pera o yung mga taong nagpapakapal ng mukha na humingi ng pera o ako na namumuna lang at hindi ginagampanan ang responsibilidad ko bilang tao, kapwa at mamayan ng bansang ‘to?

Ano sa tingin mo kaibigan?


4 responses to “Ano sa Tingin mo Kaibigan?

  • juantamad2

    ayon pa rin sa aking tingin ang pagpuna kung direkta sa pinupuna ay confrontation at kung nasa blog ay isang uri ng pamamahayag para sa kaalaman ng makakabasa. At kung me katuwiran ang puna sapat na yun para umpisahang baguhin ang nasa isip ng mga tao. Mamumulat sila sa katotohanang mali pala sa tingin ng iba ang ganun. Tulad ng nasabi sa immaturity ng bumoboto. Sang-ayon ako dun at kung marami ang magpapaliwanag kung paano ang tamang pagboto, baka sakaling mag mature ang politica. Baka ang simpleng tanong na “ano sa tingin mo ‘igan” ang daan. Lumaganap sana ang blog na ito para makabasa ng opinyon mula sa ibang Pinoy.

    • Nichelley

      Sana lahat o kaya naman kalahati ng “netizens” ay katulad mo, marunong magbasa ng mga blogs na may aral na mapupulot at
      aktibo din sa paglalabas ng sariling opinyon o saloobin.🙂

  • juantamad2

    sa tingin ko dapat kumapal ang lahi mo at lumaganap ang pagpuna sa mga naghihingi at nagbibigay. Ang Pinoy dapat maging responsable sa mga ginawa nya at kung di nya kaya sa pumunta sa tamang ahensya ng pamahalaan. Yung politikong bigay ng bigay naman tingin ko binibili na ang boto para sa susunod na eleksiyon. Siguro dapat kasuhan para mabago ang sistema ng pulitika sa bansa natin.

    • Nichelley

      Kung minsan, may mga taong puna lang ang alam pero wala namang ginagawa para makatulong na mapabuti ang isang sitwasyon; isang
      aspeto na kelangan ding maisip ng ibang mamumuna. Yung mga responsableng mamumuna ang dapat na kumapal ang lahi.😉
      Yung mga pulitiko naman na yan, iba’t-ibang maskara ang ginagamit nila mapasakay lang ang mga pobreng pinoy; ewan kung tama na sabihin na karamihan sa mga pinoy eh politically immature parin kaya mga immature na pulitiko din ang binoboto nila. Hindi ko alam kung kelan darating ang bagong Pilipinas, sana malapit na.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: