Agunyas ni Inday

Isang malamlam na gabi…

Mga talang hindi masilayan ang ningning, mga matang mapanglaw, pusong humihiyaw, katawang nakakulong sa kwadradong kwarto, kaisipang naglalakbay sa kawalan. Ngayong gabi, habang umuulan at humihigop ng mainit na kape, napagisip-isip ni Inday na hanggang nagyon, sa mga oras na ito, wala pa rin siyang ideya kung saan siya patungo. Oo. Marami siyang plano pero hindi nya alam kung magkakatotoo ang lahat ng iyon.

 

Ang hirap ng ganito, wika ni Inday (kasunod ang malalim na buntong hininga). May mga gusto akong gawin para sa sarili ko pero hindi ko magawa dahil ayaw akong pahintulutan ng aking mga magulang na umalis sa poder nila. Sa palagay ko, nasa wastong edad na rin naman ako, pero bakit ganun? Parang takot na takot parin sila nanay at tatay na humiwalay ako sa kanila. Hindi ko tuloy magawa ang mga bagay na gusto kong gawin.

Ano na kaya ang gagawin ko? Tumatanda na ako, pero hindi ako sigurado kung matutupad ko lahat ng mga pangarap ko. Ang dami kasing pumipigil eh. Minsan naisip ko, mag-alsa balutan na lang kaya ako? Pero hindi pwede, wala pa akong savings, hindi ko rin pwede ibenta ang laptop ko at iba ko pang gadgets. Hindi ko rin pwede ibenta ang alahas na irenegalo sa akin ng nanay at tatay ko.

Nagtatrabaho nga ako sa pamamagitan ng pagsusulat pero wala parin akong naiipon kasi masyado akong maluho. Gastos dito, gastos doon, kung tutuusin wala naman akong pamilyang binubuhay.

Wala naman akong makitang trabaho dito sa amin kasi naman hindi pa masyadong maunlad ang lungsod namin at isa pa, hindi ako qualified sa mga posisyon na madalas hanapin.

Ewan, gulong-gulo na ako.

Sa mga oras na ‘to, naiisip ko… sa papel at salita ko na lang ba mapupunan ang lahat ng pangarap ko?

Sana naman hindi.

May pangarap din naman ako sa buhay, yun nga lang hindi ko talaga alam kung kelan ko sisimulang tuparin ang lahat ng yun, kasi  nga… ang daming pumipigil.

Puno talaga ng agunyas ang matamlay kong buhay.

O Pano, hanggang dito na lang itong hinaing ko sa buhay. Inaantok na ako kasi ako, naubos ko na rin ang slimming coffee na iniinom ko.

Hanggang sa muli kaibigan!

 

Paalam!

Inday


2 responses to “Agunyas ni Inday

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: