Single Ako, Pake Mo?

A toast for SINGLES!

Oo na nga, SINGLE ako, pake mo?

Bitter ako sa mga taong mahilig magtanong ng “SINONG BOYFRIEND MO?”

 

Ganito kasi yun…

Noong nakaraang  buwan eh talaga namang maraming gathering, kaliwa’t kanan. Minsan, habang naglalakad ako sa kahabaan ng Rizal Avenue o kaya naman minsan habang nag-sha-shopping ako eh nakakasalubong ko yung mga luma kong kaklase pati na rin yung mga luma kong kaibigan. Tapos nun, ngingitian ko sila sabay lalapit sila sa akin, minsan naman ako ang lumalapit; sabay sa sabihing hello o kaya naman ay hi!

Pagkatapos nun, tatanungin ako, sinong kasama mo? BOYFRIEND mo? (obyus naman na wala akong kasama) nakakainis talaga ang mga ganitong eksena! Tama nga sila, sometimes “common sense is not common to all“, tama ba? ewan, basta yan na yun…

Tapos minsan, may biglang hihirit ng tanong, SINONG BOYFRIEND MO? anak ng! ang tagal-tagal nating hindi nagkita, sa halip na kamustahin ako eh boyfriend agad ang tanong. Naku naman! Nakakainis talaga! Kapag sinagot mo naman na, WALA akong BOYFRIEND. Sasagutin ka nila ng.. “Weh… di nga? Ikaw, mawalan?” Para namang ang ganda at sexy ko para magkandarapa ang mga haliparot na paru-paru sa akin.

Ito pa, pag may magtetext sa akin ng Merry Christmas , nirereply ko naman ng Merry Christmas too and God bless you. Tapos nun, kakamustahin na ako. Ang susunod naman na tanong, “sino BOYFRIEND  mo ngayon?” Wow ha! pati sa text wala akong ligtas. Pag ni-reply ko na WALA! (as in CAPSLOCK) ang sasabihin, owwsss… talaga? ikaw pa, mawalan? Leche! Ano bang tingin nila sa akin lalakero? Hello?? Matagal na panahon na akong SINGLE noh! Hindi ko na babanggitin kung ilang taon na. (Sa mga usyosero at usyosera jan, i-PM ko na lang sa inyo kung interesado talaga kayo.)

Bukod pa jan, may mga iilan din akong nakilala sa mundo ng internet na nagtataka kung bakit SINGLE ako. Syempre, todo explain na naman ako kung bakit ako SINGLE.

Ito  ang isang masakit na nangyari as akin, yung pinag-bintangan ako ng sarili mong kamag-anak na may BOYFRIEND ako, tapos magkekwento na  sila sa nanay at tatay ko, tapos lagot na  ako! Hay naku naman, mga taong walang magawa sa buhay.

Ngayon, sa lahat ng nagtatanong jan, ano naman  kung SINGLE ako? Masaya ako, oo, pinipilit kong maging masaya minsan kahit minsan para na akong baliw. Ewan, basta ako kontento sa pagiging SINGLE. 21 na ako ngayon, wala naman akong hinahabol kaya hindi ako magmamadali. Basta ako, naniniwala na walang masama sa pagiging SINGLE period

Teka, kung interesado pa rin talaga kayo kung bakit ako SINGLE hanggang ngayon, eh pasensya na, dahil hindi ko rin alam ang sagot.😛

 

 

Bago ko tuluyang tuldukan ang SINGLE AKO, PAKE MO? post, pakisagot nga ng maayos ang mga tanong na ito:

1. Gaano ba kasi kaimportante magkaroon ng BOYFRIEND? Sa tagal na wala akong boyfriend, hindi ko na alam ang sagot sa tanong na yan.

2. Ano naman ang mali sa pagiging SINGLE? Nakakagulat kasi ang mga reaksyon ninyo, para namang kasalanang mortal ang pagiging isang SINGLE.

3. Bakit ba kasi nagtatanong pa kayo kung SINGLE ako o hindi ; tapos hindi naman kayo naniniwala kapag sinibi kong, SINGLE nga ako. May pa owwsss owwsss pa kayong nalalaman.

 

Sige na, pagod na ako eh.

To all SINGLE LADIES out there, let’s have a TOAST!


2 responses to “Single Ako, Pake Mo?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: