S-E-L-O-S

S – E – L – O -S isa ka nga bang makasalanang salita?

Kung totoo mang kasalanan ang pag-SESELOS, ang ibig sabihin ay apatnaput-pitong araw na akong makasalanan? Syempre, hindi pa kasali dito ang mga kasalanang nagawa ko labing-walong taon na ang nakakalipas.

Ano nga ba talaga ang ugat ng pagseselos ko? Dahil ba gusto kita? Dahil ba mahal kita?

O Dahil ba sadyang makasarili lang ako at ayaw kong ipaubaya sa iba ang hindi ko naman talaga pag-aari? Ewan.. basta, akin ka lang! Gusto ko akin ka lang!

Kung alam mo lang sana, kung naiintindihan mo lang, kung kaya ko lang sanang sabihin, hindi sana ako ganito ngayon.

Ang sakit-sakit, ang hirap-hirap, hindi ako makahinga, para akong sinisakal. Sinasakal ng pagmamahal ko sayo. Bakit ba kasi ganito? Leche talaga! sa dinami-dami kasi ng pangit na tao sa mundo bakit sa isang tulad mo pa ako nagkagusto na isa ring pangit?

Heto tuloy ako ngayon, sa isang sulok ng kwadradong kwarto, nakatunanga sa harap ng bintana, nakatanaw sa mga taong naglalakad sa kalye habang iniisip kong paano ko tatapusin ang walang saysay na akdang ito na tungkol sa SELOS.

Ang hirap ng ganito, gusto mo magsulat pero di mo alam kung paano sisimulan. Pag nasimulan mo na, hindi mo naman alam kung papano tatapusin.Heto na, malapit ng matapos. Inaantok na ako eh. Tapos na….


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: