Pag-uusap Na Humantong Sa Hiwalayan…

Ngayong hapon, nakaupo na naman ako sa paborito kong upuan habang nag-iisip at nakikinig sa mga lumang  awitin.. hanggang sa bigla ko na lang naisip ang isang pangyayari sa buhay ko na binago ang dating ako.

Halika, samahan mo ako sa aking pagbabalik-tanaw. :D

Mahigit sa tatlong taon na ang nakalilipas, ngunit hindi ko parin makalimutan ang pakiramdam nung naghiwalay kami. Basta na lamang nangyari ang mga bagay-bagay saloob ng isang gabi.

Isang hapon, hindi ako mapakali kung kaya nag-text ako sa kanya (sa EX ko)  na kung pwede na magkita kami nung araw din na iyon pagkatapos ng trabaho nya; at pumayag naman ang loko. Ang balak ko, mag-uusap lang kaming dalawa kasi nga masyado nang komplikado ang relasyon namin, kumbaga pa sa tao, pakiramdam ko, naghihingalo na talaga. Ang nakatakda lamang na pag-uusap ay nauwi sa masakit na… Hiwalayan.

Pinili naming pumunta sa lugar na pwedeng kainan; kung saan kokonti lang rin ang taong pumupunta. Nag-order kami ng pagkain, kumain at nagkwentuhan. Nagpanggap ako na okay ang lahat, na walang problema  pero hindi ko na napigilan ang sarili ko, may kung ano sa puso ko na parang pilit na gustong kumawala. Hindi ko malunok ang pagkain na nasa loob ng bibig ko; at habang tumatagal bumibilis ang pintig ng puso ko, nararamdaman ko rin na lumalamig ang mga kamay ko.

Hanggang sa tinignan ko sya sa kanyang mga mata, at biglang tumulo ang luha ko. Wala akong nasabi sa totoo lang, parang biglang nawala ang boses ko sa hindi malamang kadahilanan. Bago pa man din tumulo ng husto ang luha ko, iniabot na nya ang kanyang panyo at sinabing, “tara umalis na tayo dito, baka sabihin ng mga tao, pinaiiyak kita”. (eh ano pa nga ba sa palagay nya? Siya naman talaga ang dahilan ng pagtangis ko nung gabing iyon.)

Umalis kami, hindi namin naubos ang pagkain, (hindi ko man lang nainisip na mahal pala yun, sayang! ngayong ko lang naisip. :D ). Pumapatak-patak ang ulan nung gabing iyon; dahil sa wala na kaming ibang mapuntahan, naisip nya na pumunta kami sa isang malapit na parke, may iilan din na naroroon nung gabing ‘yon.

Ilang minuto din ang nakalipas na malamig na hangin lang ang bumubulong sa aming mga tenga. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ang pag-uusap namin. Hanggang sa nasambit ko ang liny’ang ito… “ayaw mo na ba sa akin?”. Ang naging sagot nya, “hindi ko alam.” At dinugtungan nya pa ng “marami ka pang makikilala, bata ka pa.” Nang marinig ko ang mga salitang yan, hindi ko na talaga napigilang umiyak. Buti na lang mejo madilim sa kinauupuan namin kasi merong puno; kung hindi, eksena talaga.

Nang mga panahon na ‘yon, para akong binuhusan ng malamig na tubig kasabay ng malakas na ulan. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi ko rin inakala na ganun pala kasakit. Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na hindi totoo lahat ng nangyayari, paulit-ulit ko syang tinanong baka sakaling magbago pa ang isip nya at ang sabi nya “hindi ikaw ang dahilan, hindi ikaw ang problema, “ako”. Lalo akong napaiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko, para akong bata na naghahanap ng isang kalinga ng ina nung mga panahong iyon. Bakit ganun? Naging mabuti naman ako sa palagay ko, pero bakit nya ako iiwan? Paulit-ulit kong tanong sa sarili ko.

Nasobrahan na ata ang pagiging desperado ko nung gabing iyon, akalain mo na nakuha ko pang sabihin ito sa kanya, “mag-promise ka… hintayin mo ako, pag-graduate ko sa college at wala ka pang girlfriend, magiging tayo ulit ha?”  Sumagot naman ang lokong yun ng “OO”. (Matapos ang ilang buwan, naisip ko, gaga talaga ako.)

Sadyang madilim ang kalangitan, ramdam ko talaga ang bawat patak ng ulan, kasabay ng aking pagtangis. Iniabot nya ang jacket nya sa akin kasabay ng kanyang panyo, hindi ako makahinga (sinisipon na ako kaiiyak). At bigla na namang sumagi sa isip ko ang salitang binitawan nya nung naging kami, “hindi ba’t sinabi mo dati na hanggat may tala sa langit, mamahalin mo ako?” Ang sagot nya, “oo.. naaalala ko nga ‘yon… Naisip ko rin na babanggitin mo ‘yon… Pero tignan mo ang langit ngayon, kahit na gabutil na liwanag sa langit eh wala akong makita”. Pagkasabi nya nun… matagal ding namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ako, pilit kong sinisiksik sa utak ko ang mga nangyayari, ewan ko kong ano ang tumatakbo sa sip nya noong mga oras na ‘yon.

Pakiramadam ko, tadhana na ang humuhusga sa aming dalawa. Makalipas ang tatlumpong minuto, napansin kong biglang lumiwanag ang kalangitan; tunay na malamlam ang sinag ng buwan at mapanglaw ang kinang ng mga bituin, pakiramdam ko’y pati sila nakikiisa sa aking pagtangis.

Hanggang sa huling pagkakataon, humirit pa ako, tignan mo lumabas na ang moon and stars (nasabi ko pa yon! akalain mo?!)… ibig sabihin ayaw nila na mag-hiwalay tayong dalawa. Pero alam ko, wala narin namang magagawa ‘yon, sinubukan ko lang talaga.

Nang humupa na ng bahagya ang nararamdaman ko, nagpasya na akong umuwi dahil lumalalim na rin ang gabi. Hinatid nya naman ako sa huling pagkakataon, magkahawak kami ng kamay, nakasandal ako sa balikat nya.. ang sakit, hindi ko talaga mapigilan ang luha ko.. dahil iyon na ang huling gabi na makakasama ko ang lalakeng lubos kong minahal.

Sa pagtalikod ko, parang gusto kong bumalik sa kanya at yakapin sya, pero hindi pwede, hindi na tama. Para akong unti-unting nanghihina, hindi ko alam kong ano ang mangyayari bukas, sa susunod na bukas at sa mga susunod pang bukas.

 

Few lines that I wrote the night we broke up.:

Tonight…

Is the night that he left me.

I am broken so badly…

As I walk through the path of darkness;

Sadness and pain is all I can feel.

No more hope, no more happiness.

Future is a blurred vision.

Tonight…

I’d rather choose to die…

To die and forget about this horrible feeling

Of losing you.


One response to “Pag-uusap Na Humantong Sa Hiwalayan…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: