Kabiguan ko, Isinulat ko.

Paano nga ba masusukat ang sinseridad at  pagmamahal  ng isang tao?

 

Dapat ba talagang sukatin ito?

 

Tama bang sukatin ito?

 

Hindi ko rin alam ang kasagutan sa mga tanong na iyan. Dahil ako mismo, naguguluhan din.

 

Minsan sa buhay ko may isang lalakeng napadaan. Hindi sya ang tipo ko. Lagi ko syang pinagtataguan, minsan kapag pumupunta sya sa bahay nagpapanggap akong may sakit, kung minsan naman tinatakbuhan ko para hindi nya ako makausap, madalas kapag namamasyal sya sa bahay namin eh pinagtatabuyan ko sya. Siguro nga masama ang ugali ko, pero noong mga panahon na iyon wala talaga akong balak na mag-boyfriend at isa pa, hindi ko talaga sya gusto.

Pero dahil sa sobrang tiyaga nyang manligaw at sa sobrang kabaitan nya, sa madaling sabi, naging kami matapos ang apat na buwan na panliligaw. Sinubukan ko talagang pigilan ang sarili ko, ang nararamdaman ko, pilit kong sinisiksik sa utak ko na TAMA ang ginagawa ko, tama dahil sa ginagawa ko siguradong hindi ako masasaktan. Pero dala na rin siguro ng udyok ng mga kaibigan, awa at pagmamahal na naramdaman ko para sa kanya, sinagot ko sya. Masaya naman talaga ako kapag nakakasama ko sya, tinamaan na nga talaga ako sa kanya.

Akala ko talaga, kilala ko na sya, akala ko talagang mabait sya (dahil na rin sa pagkakakilala ng mga tao sa kanya). Pero nalaman ko na isa rin pala siyang manloloko at sinungaling tulad ng ibang Adan jan sa gilid-gilid. Hindi iyan isang teorya o gawa-gawang kwento, sya na mismo ang umamin na may iba syang girlfriend dahil na rin sa pangungulit at pangungonsensya  ko. Akalain mo, may iba pa pala syang girlfriend bukod sa akin? Sino ba namang babae ang nasa hustong pag-iisip ang gugustuhing may kahati sa boyfriend nya? (Selfish na kung selfish pero sa palagay ko, hindi tama ang ganung set-up). Pagkatapos kung malaman ang ginagawa nya, naisip ko na mag-break na lang kami kasi alam ko walang patutunguhan ang ganung klaseng relasyon.

Pero dahil na rin siguro sa mabait at may pagka-engot ako, binigyan ko sya ng isa pang pagkakataon. Akala ko, magiging okay na. Pero hindi pa rin, mas malala na sya. Sinibukan nya pang manligaw sa iba. See... feeling pogi talaga. Kaya yun, tinuluyan ko na. Break na kami, (sa pagkakaalam ko). Hindi ko talaga kaya ang mabuhay sa ganung set-up, naglolokohan lang kami kung ganun. Wala akong maramdamang sense of security mula sa kanya. May lamat na rin ang tiwala ko sa kanya, kaya wala ng dahilan para magpatuloy pa ang relasyon namin.

Sa totoo lang sobrang sakit… Bakit? Kasi ang tagal ko naghintay, ang tagal ko na pinatigas ang puso ko para hindi na ako masaktan ulit. Halos apat na taon na hindi ako pumasok sa isang relasyon. Pero dahil sa kabaitan nya, bumigay ako ulit. At ngayon, nasasaktan na naman ako. Bakit kasi ganun? Wala naman akong ginawa para lokohin nya ako. Ang lagi kong tanong ay… Bakeeeet????

Sa mga oras na ‘to, iniisip ko ano ang dahilan nya para manligaw sa akin ng sobrang tagal? Ano ang dahilan nya para tiisin lahat ng pang-iinsulto ko sa kanya? Ano ang dahilan nya para magpakita ng sobra-sobrang kabaitan sa akin? Eh kung sa huli, hindi naman pala sya seryoso?

Sa byahe kong ito, may ilang bagay akong natutunan. Una, hindi sukatan ang kabaitan ng isang tao para sagutin mo sya. At lalong hindi sukatan ang tagal ng panliligaw para masabi mong sinsero ang taong nanliligaw sa inyo. Hindi ko naman nilalahat… marahil ay may iilan pa jan na hindi tulad ng lalakeng nakikila ko.

Sa mundong ito, talagang may mga taong mapag-panggap. May mga taong hangad lang ang sariling kasiyahan hindi na bale kung nakakasakit sila ng ibang tao.

Siguro hindi na muna ako ulit magmamahal. Siguro pagkalipas na lang ulit ng apat na taon. Pero hindi ko rin alam, baka naman biglang mag-iba ang takbo ng mga pangyayari sa buhay ko.

Tignan na lang natin ang susunod na kabanata ng buhay pag-ibig ko… Kung muli ba akong papasok sa isang relasyon, kung makapag-aasawa ba ako o paninindigan ko na ang pagiging Single forever!

 

Ang nabigong puso.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: