Gusto kita, Manhid kba?

Maraming araw, linggo, at buwan na rin ang lumipas na lagi tayong magkasama, nagdadamayan, magkausap, at nag-aalay ng dasal para sa isa’t isa. Minsan, nagkakatampuhan din tayo, pero sabi nga nila, normal lang yun sa isang “relasyon”.

 

Pero teka, ano nga ba ang relasyon natin?

Ahh… oo nga pala, magkaibigan tayo; oo, ikaw at ako, magkaibigan. hanggang magkaibigan na lang ba talaga?😦

Paramdam na nga ako ng paramdam sayo kahit na buhay pa ako. Hindi ako nagsasawang batiin ka sa  pamamagitan ng text kahit na gumastos pa ako ng piso araw-araw, hindi rin ako nagsasawa sa kasasagot ng tawag mo kahit hating-gabi na, at hindi rin ako nagrereklamo kahit na ayaw na kitang ka-chat kasi nga may ginagawa ako. Pero mukha atang nasobrahan ka sa pagkain ng yelo kaya siguro naging manhid kana ng tuluyan.  Ni hindi mo nga ata maramdaman ang presensya ko.

Gusto kitang pangalanan kaso, wag na lang. Baka malaman mo pa, pero sige na nga, itatago na lang kita sa pangalang Deinyel. Ang hirap naman ng sitwasyon ko, abot-kamay na kita pero hindi parin kita mahawakan, hindi parin kita maangkin.😦 Ang saklap!

Ang tanong ko habang sinusulat ko ito eh…. Mapapasaakin ka kaya?

Ewan, masyado kang manhid, daig mo pa ang kamay na binabad ng bente-kwatro oras sa yelo sa sobra mong pagkamanhid. Heto na nga ako, katabi mo na pero parang wala lang sayo. Kung tutuusin sa akin ka lang naman laging nakatingin pero bakit parang hindi mo pa rin ako napapansin? Masyado na ba talagang malabo ang mata mo at di mo na ako makita kahit na isang butil ng bigas na lang ang pagitan nating dalawa? Anak ka talaga ng kabote! *buntong-hininga*

Sige, dadaanin na lang kita sa mga patama ko, pasaring ko, palipad-hanging mga wika ko. Baka sakali, sakali lang naman, mamulat ang mga mata mo sa katotohanan… katotohanan na gusto nga kita, matagal na.


2 responses to “Gusto kita, Manhid kba?

  • sasaliwngawit

    hello, mga totoong kwento,

    ahaha, ano’ng masasabi ng isang napadaan lang? masaklap ang ganyang sitwasyon, kapatid. andyan ka, pero parang di nakikita. meron sa ‘yo, wala lang sa kanya. ba’t nga ba ganyan ang buhay? shaks na ‘yan.🙂

    isang araw, things will turn out for the better, hopefully… regards!🙂

    • Chicky Nicky

      Hehe.. salamat sa pagdaan at pag-iwan ng komento.🙂
      Pero, hanggang ngayon, ganyan pa rin ang sitwasyon ko. ‘to pa ang dabest sa lahat, ako ang hingahan nya ng mga kasawian nya na may kinalaman sa babaeng nagugustuhan nya. Minsan, umaalis na lang ako at kung minsan naman, wala na lang akong naririnig, nakakapikon na kasi eh.😦

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: