Araw ng Kasinungalingan

Isang hapon, puno ng ulap ang kalangitan, ngunit bahagyang sumisilip ang araw, sabi ko nga, parang “abnormal ang panahon”; maulap pero ubod naman ng init. Bandang alas dos, naisipan kong maligo sabi kasi ng pinsan ko may lakad daw kami. Sakto! Pagkatapos kong maligo eh nag-text na sya at ang sabi nya, “Bhe, nasan ka ngayon?”, ang reply ko naman “teh, nandito ako sa bahay, katatapos ko lang maligo, bakit?”. (Para naman akong engot, nagtanong pa ako, eh alam ko naman na may usapan kami). Sa madaling sabi, hindi na sya nagreply.

Pagkatapos ko magtext, nagbihis na ako, syempre, magpapahatid ako sa aking ulirang ama dun sa isa naming bahay, dun na rin ako magpapalit ng damit, mas malapit kasi ‘yon sa bayan, at isa pa, maputik kasi dito sa’min, marurumihan lang ang aking “black dress and white doll shoes”.😛

Ayun, hinatid nga ako ni papa gamit ang kanyang motorsiklo, hindi pa ko nakakababa sa motor, sinalubong na agad sya ng may-ari ng motorcycle repair shop sa tapat ng bahay namin, ang sabi nya, “kuya cesar, yung pamangkin mo, (na hindi naman totoong pamangkin ni papa, dahil pamangkin talaga sya ng nanay ko), bla bla bla.”, nagmamadali kasi ako kaya hindi ko na narinig pa yung iba nyang sinabi. Umalis na si papa, at pumasok naman ako sa gate na gawa sa cyclone wire na meron pang yero. Pag-pasok ko, nakaharang ang mayabong na dahon ng punong mangga, nakakainis! Hindi ko tuloy nakita ang putik! Ayun tilamsik ng putik na naman ang naranasan ko.  *Hay.. simula pa lang ito ng isang ubod ng swerteng hapon.

Dumiretso ako sa likod kasi dun ako dadaan sa kusina, hindi pa ako nakakapasok, ramdam ko na na may tao sa loob, nakasara ang mga pinto. Kumatok ako, sabay sabing, jek..  jek.. buksan mo nga ang pinto  (si jek ay ang aking pinsang lalaki). Hindi nya binuksan kaya tinulak ko na! ayon! Pagtulak ko, may kasama pala syang chicks! Hindi sisiw, chix! As in babae! Babaeng bagong ligo, at nakasuot ng seksing shorts, at kumakain silang dalawa, malamang tanghalian yun kasi bandang ala una ng hapon na!

Patuloy sila sa pagkain habang ako naman, pinaplantsa ko ang nagusot kong damit habang nanonood ng Showtime Grand finals. Pagkatapos nila kumain, lumabas yung babae dun sa balkonahe namin habang naghuhugas naman ng mga pinggan ang pinsan ko. Syempre, kunwari dedma lang ako, patay-malisya ba pero sinisilip ko yung babae, infairness, makinis naman xa, yun nga lang di ganun kagandahan (hindi naman ako maganda pero, may karapatan naman akong sabihin ang gusto kong sabihin🙂 (too much freedom is not good, I know right?!😛

Pagkatapos ko magplantsa ng damit ko, tinext ko yung isa kong pinsan na kakatagpuin ko. Ang sabi ko, “teh, may chix dito sa bahay, punta ka, dalian mo! Kunwari hindi mo alam na may ibang tao dito.”

Ang kanya namang tugon ay, “sige hintayin mo lang ako, kinukuha ko pa kasi ang perang pinadala ni tito pampaayos ng CPU”.

Sabi ko naman, “okay, bilisan mo, baka kasi umalis sila, bagong ligo pa naman yung girl.  hehe”.

Ayun, makalipas ang ilang minuto, dumating ang pinsan ko, sabay hirit ng, “bajek, ano to? Nagbabahay-bahayan kayo dito”? marami pa syang sinabi pero di ko na masyadong narinig dahil kunwari pumunta ako sa cr, pero pumunta naman talaga ako eh, yun nga lang wala akong ginawa dun. Palusot lang!

Paglabas ko, sabay sabing, “uy teh anong ginagawa mo dito? San ka galing?” *as if hindi ko alam na pupunta sya dun, eh ako nga diba ang nagtext sa kanya?  Sabi nya, nag-tutor daw sya. Totoo namang nag-tututor sya  sa anak ng doctor. Pero sympre palusot nya lang ulit yun, sinermonan nya yung chix. *kawawang chix*.

Habang nag-eenjoy ako sa panonood ng showtime, biglang may nag-text! Yung kapatid ko, gamit nya ang cellphone ng nanay ko ang sabi “wag muna kayo umalis jan, pupunta si nanay jan”. huwat??!!

Sinumbong ba ni ate kay nanay? Nakakainis naman! War talaga ito!

Maya-maya may narinig na aking tunog ng armalite! Bibig pala ng nanay ko, ang lakas! Nakakabingi! Pinapagalitan nya yung babae at yung pinsan ko. Ang dami nyang sinabi. *hay… pati ako pinagalitan kasi daw konsintedor ako, eh ayoko lang naman kasi ng maingay kaya quiet lang ako. Hindi ako war freak! Peace-loving human ako.🙂

Kahit nagsasalita pa yung nanay ko,tumayo na yung babae sa kinauupuan nya at nagpaalam na kung pwede magbihis sa kwarto eh narinig ng nanay ko, kaya sabi ko wag kana sa kwarto magbihis, dun na lang sa CR. Eh di dun nga sya nagbihis.

Tapos, ang ending umalis mag-isa yung babae at yung pinsan ko kahit gusto pa syang ihatid eh ang kaso, hindi sya pinayagan ng nanay ko. Pagkaalis ng babae, umalis na rin kami ng isa ko pang pinsan.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: