Ang Pagtatapat Ni Bukang-Liwayway

Mahal kong dapit-hapon,

Ako’y lubos na nagpapasalamat sapagkat masasabi ko na rin ang aking tunay na nararamdaman matapos ang mahabang panahon. Sa wakas, nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob! Halos matagal ko rin itong tinago sa kaibuturan ng aking puso. Lubos akong nagagalak dahil ikaw’y aking nakilala. Umaapaw ang aking pasasalamat sa Poong Maykapal dahil tayo’y kanyang pinagtagpo.

Noon pa man, may mga bagay na akong nais sanang sabihin sa iyo ngunit sa tuwing nag-uusap na tayo, umuurong na ang aking dila. Pakiwari ko’y may isang libot isang taong kumakalampag sa loob ng aking puso, parang hinahabol din ako ng libo-libong kabayo sa bilis ng pintig ng aking puso.

Matiyaga akong naghihintay sa muli mong pagdating. Kapag akin ng nasilayan ang iyong pangalan, mundo ko’y nagiging makulay at napupuno ng pag-asa at aking puso’y halos tumalon na sa labis na kagalakan.

Tunay na kahanga-hanga ang taglay mong kabaitan, katalinuhan at higit sa lahat ang iyong matibay na pananampalataya sa Lumikha. Bawat makabuluhang salitang iyong binibigkas, ito’y nag-iiwan ng marka sa aking isipan. Sa sandaling panahon na tayo’y nagkakilala, pakiramdam ko’y matagal na tayong magkaibigan.

Iisa lang ang ibig sabihin ng lahat ng ito, iisa lang ang nais kong ipahiwatig, iisa lang ang nais kong tukuyin, at iisa lang ang nais kong malaman mo. Mahal kita. Oo, mahal kita. Mahal kita simula pa nung una. Mahal kita ngayon. Minamahal pa rin kita at patuloy pa rin kitang mamahalin. Mahalin mo man ako o hindi.

 

Nagmamahal,

bukang-liwayway


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: