Liham para sa Aking mga Anak

Mahal kong mga anak,

Mula sa malayo, aking nakikita ang inyong kalagayan kaya naisip kong sumulat ng isang bukas na liham para sa inyong lahat. Ako, na inyong ina ay labis na nalulumbay sa tuwing aking sinasariwa ang mga paghihirap ng inyong mga nakatatandang kapatid upang mabuo lamang ang ating pamilya na maka-tatlong beses na sinubukang wasakin ng iba.

Hindi kaila na sa mundong ating ginagalawan ang mga bagay o pangyayari ay walang katiyakan. Sa puntong ito, ang tangi ko lamang nais ay mabatid ninyong lahat ang nilalaman ng aking puso, nawa ay pagnilayan ninyo ng maigi ang liham kong ito.

Bago pa man kayo isilang sa mundo, ninais ko na magkaroon kayong magkakapatid ng maayos na samahan at relasyon. Kayong lahat, sama-sama, nagtutulungan hindi nag-gugulangan. Kung aking babalikan ang nakaraan, ang inyong mga nakatatandang kapatid ay naging napakabuti, maayos silang lumaki, bagamat payak lamang ang uri ng pamumuhay, ang bawat isa ay may tungkuling ginamapanan upang pag-unlad ay makamtam. Ako’y kanilang inalagaan at pinrotektahan sa paraang alam nila.

Subalit tulad ng aking sinabi sa bungad ng liham kong ito, pagbabago ay ‘di maiiwasan. Isang araw, ang payak na buhay ay unti-unting nabago. Nagbago ito ng pinahintulutan ng ilan sa inyong mga kapatid ang pagpasok ng ibang pamilya sa ating tahanan. Aking nakita ang unti-unting pagpanaw ng ilan sa inyong mga kapatid dahil sa kanilang pakikibaka upang ating nakasanayan ay mapreserba. Nang pagkakataong iyon, parang dinudurog ang aking puso habang sila’y aking pinagmamasadan, lubhang napakasakit para sa isang ina ang makitang nagdurusa ang kanyang mga anak ngunit wala akong magawa dahil sa aking mahigpit na pagkakagapos. Oo, ako’y iginapos ng napakahigpit, maraming beses kong pinilit makatakas ngunit ako’y hindi nagtagumpay. Habang ako’y nagdurusa at walang magawa, habang aking kabuuan ay patuloy na nilalapastangan ng ibang pamilya, kasabay nito ang aking panaghoy na balang araw, ang mga sanggol na aking inaruga ay silang magsasakatuparan ng buong pamilyang aking pinangarap.

Nang ako’y tuluyang makalaya, sa tulong din ng inyong mga kapatid, walang pagsidlan ang ligayang aking nadama. Nabuhayan ako ng loob, nakita ko ang magandang hinaharap para sa ating lahat.

Ngunit bakit ganoon? Pangarap na aking inasam, tila kailanman ay hindi na makakamtan. Ang ilan sa inyong mga kapatid ay nangamatay sa sarili nyong mga kamay, ang ilan ay piniling mangibang bayan upang kahirapang nararanasan ay malunasan, ngunit ang nakararami sa inyo ay nanatili sa aking poder, ang ilan ay naghahanap-buhay upang mabuhay ngunit ang ilan ay umaasang mabibigyan ng pagkain upang mabuhay.

Sa puntong ito, iisa lamang ang aking katanungan… ano ang nangyari sa inyo?

Bakit tila kayong magkakapatid ay hindi nagkakasundo? Anong nangyari sa dati ninyong samahan? Nasaan ang pagtutulungan? Nasaan na ang pagmamahalan? Bakit mas minabuti ninyo na maghiwalay at kanya-kanya? Anong nangyari? Ano?

Tulad ng maraming ina, ang nais ko lamang ay magkaroon kayo ng magandang buhay. Ang  makita ang bawat isa sa inyo na malayo na ang narating, ang makita kayong nagdadamayan, nagmamahalan, at nagtutulungan sa gitna man ng problema o kasiyahan. Isa akong ina na ang tanging dalangin ay ang makita ang aking mga anak na may magandang ugnayan sa bawat isa.

Ang inyong ina,

Pilipinas


Bobabells Moments

Minsan sa buhay natin talagang may mga pangyayaring masasabi mong –

Ay…

Ang bobabells ko namen. Bobobells namen kung lalaki ka.

Tulad ng dati, mag-isa ulit ako dito sa bahay kasi may pasok na naman ang mga kasama ko. Kahit pa may konti akong pinagkaka-abalahan eh hindi ko parin mapigilan makaramdam ng pagka-inip. Isipin mo, mag-isa lang ako mag-hapon tapos nakabukas lang ang tv at music player na magkasabay habang pakain-kain ako ng tinapay.

Pero hindi  tungkol dyan ang kwento ngayong araw.

Habang tumatambay ako sa  Facebook kanina lang, umaasang may magko-comment o di kaya ay magpapadala ng mensahe, naisipan ko mag-back read ng mga posts ko. To my horror, naisip ko, sana hindi ko na lang ginawa yun… ang mag-back read. Haha!

Alam mo kasi, napagtanto ko, ang bobabells ko masyado.

Bakit?

I. Kwentong Facebook

Dahil sa dami ng mga comments at posts sa wall ko na hindi ko nai-reply. Ang iba dun, may konek pa sa mga school exams, school reports, meeting with friends at graduation plan namin.  haha! Ang masaklap, may mga nakakatuwang comment pala sa mga pictures ang mga kaklase ko na ngayon ko lang nabasa at yun, bentang-benta naman sa akin kahit late ko na nabasa kaya ayun… nag-comment ako kahit na two years ago na ang post na yun, sa totoo lang malapit na nga mag-three eh. haha!

Ito pa ang isa, noon, hindi ko alam ang sinasabing notification sa FB. Dati, sa tuwing may message na magpa-pop out sa gilid ng screen, hindi ko pinapansin lahat yun. Dumating pa sa punto na, naiinis ako dun sa kulay pulang mark na lumalabas sa corner, ang dami nila lagi. Kaya para mawala yun, iki-click ko lang yung pulang mark tapos balik na ulit sa wall ko sabay post ng sandamakmak na status. Without knowing na nagno-notify pala ang FB sa lahat ng nangyayari sa FB account ko. Haha!

II. Kwentong Gas Range

Ito pa ang isa, hinila ko yung  mga tube na naka-angat dun sa plate ng gas range namin kasi buong akala ko, hihilain lang yun para mag-sindi. Hahaha! Muntik ko pa nga sindihan gamit ang posporo kasi akala ko kelangan yun, mabuti hindi ko ginawa kasi kung hindi, malamang nakasunog ako. Pagdating ng Nanay ko, pinihit nya lang yung gasul at yung pang-control ng fire. Akalain mo yun? hindi ko naisip na may gasul pala na nakakabit sa gas range? haha!

III. Kwentong Gas Range pa rin

Yung gas range namin pwede rin pala maging electric stove. Ito naman ang eksena, sinaksak ko yung plug tapos hinahawak-hawakan ko yung plate kasi na-curious  lang ako nung sinabi nang Nanay ko na pwede daw gumana yun gamit ang kuryente. So, akala ko hindi iinit ng husto yung plate kaso, nung huling pag-hawak ko, sobrang init na pala! Kaya ang ending, napaso ako ng bahagya.

Kita mo… simpleng mga bagay lang pero napatunayan ng mga ito ang pagiging bobabells ng blogger na ‘to.

Haha!


Isang Pagbati

Sa iyo na tumangkilik sa blog na ito, tanggapin mo ang aking wagas na pasasalamat. Salamat sa minsang pagbisita, pagbasa at pag-iwan ng mga komento dito sa aking pahina.

Nawa ay pagpalain ka nang Diyos at pagkalooban pa ng maraming biyaya sa mga darating na panahon.

 

Maligayang bagong taon sa iyo kaibigan!

 

Bumabati,

Chicky Nicky


2012 in review

The WordPress.com stats helper monkeys prepared a 2012 annual report for this blog.

Here’s an excerpt:

600 people reached the top of Mt. Everest in 2012. This blog got about 5,000 views in 2012. If every person who reached the top of Mt. Everest viewed this blog, it would have taken 8 years to get that many views.

Click here to see the complete report.


Ang Pagbabalik

Kamusta?! Muli na naman akong nagbabalik, ang self-proclaimed blogger. ;)  Puro pachamba-chamba lang pag nagsusulat, bahala na kung mahagip si ng at nang basta ba naiintindihan eh. Hihi

Malamang matagal-tagal akong mamamalagi sa tahanan ko na ito. May isa lang akong hiling sa pamamalagi ko dito, sana magustuhan ng mga luma kong kapit-bahay ang pananaliti ko dito. Hehe! Pasensya na kung ang ilan sa inyo ay makakatanggap ng mga e-mail updates dahil sa mga bagay na isusulat at ipa-publish ko dito ha.🙂

May dahilan nga pala ako kung bakit ko pansamantalang nilisan ang aking tahanan ng matagal na panahon (sabay hikbi). Kanina kasi (mga bandang alas nuebe ng umaga) naisipan ko na i-private mode ang isa ko pang blog (ang nilikhako.wordpress.com).  Oo, biglaan lang yan matapos kong mabasa ang comment ng isang reader ko. His comment wouldn’t give you a fright kung hindi ka paranoid tulad ko. haha!

Eh bakit ba? Mabuti na ang nag-iingat no (no-hhhh with resounding Hhhh pala ‘yan)!

Labag man sa loob ko, ginawa ko parin dahil kailangan sabi ng utak ko. Nagbabakasakali ako na kapag naka-private ang blog ko nang matagal na panahon eh hindi nya na iyon bibisitahin pa kahit na kailan (cross-fingers). Kaya pansamantala, dito na muna ako.

 

Kung kaya, magandang araw sa iyo neighbor!

 

Kaway-kaway /***  :)